read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Masayang masaya talaga ako mga kaibigan kasi sa wakas nandito na ang kuya ko sa platform na ito matagal ko na sila talaga gusto imbitahan dito kaso nawalan kasi touch screen cellphone nya at keypad phone pa gamit nya. Ngayon may bagong smart phone na sya kaya inimbitahan ko na sya dito. Natawa na naawa at na touch ako sa kanya kasi antok na pala sya hindi man lang nag reklamo na bukas na ituloy ang pagtuturo ko o bukas na sya mag post pero nagpatuloy pa rin sya. Dati noong mga bata pa kami lagi kami nito nag aaway pero ngayon na malalaki na kami ay kami siya naman yung ma consider ko na pinaka close ko na kapatid. Kami lang kasi din yung nakaapakbsa City at naka trabaho at sumuporta sa pamilya namin, sa mama namin at sa tatlong kapatid namin na may kanya kanyang pamilya na rin sa bundok. Sobrang mapag bigay yan, ngayon na namatay amg asawa ng bunso namin kapatid na babae, siya ang sumuporta sa kanila ngayon sa pag kain at sa gatas. Kaya pag sahoran na ni kuya divided talaga ang sahod nya, para sa mga anak ng kapatid namin, savings nya para sa kasal at para sa boarding house nya at pagkain. Lagi ko lang dinadasal na safe and healthy sya palagi kasi marami pa syang tinutulungan sa pamilya ko. -gemeex

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.