Ito ang palaging pagkain namin dito. Mais na kanin with utan bisaya. Ang utan bisaya ay ang pinagsama samang gulay at pinakuluan at titimplahan ng asin at magic sarap or bitsin. Ang utan bisaya namin ngayon ay merong talbos ng kamote, alogbati, patola, kalabasa, okra, talong. Ang talbos ng kamote, alogbati at ang patola ay galing sa tanim ni nanay at tatay, tapos ang iba binili na namin tag iilang piraso lang din. Bakit mais ang kanin namin? Ito ang binili namin pag ang pera namin ay kunti nalang at hindi na magkasya para sa palay na kanin, mas mura kasi ang mais. Bakit naka halo lahat sa isang plato hindi magkaiba ang lalagyan sa kanin ko at lalagyan ng gulay o ulam ko? Iwan ko mas gusto ko talaga ganyan ihalo lang sa isang plato pag ako ang kakain, siguro dahil tamad ako mag hugas minsan ng plato? Ahaha Makapag karne lang kami pag kakatangap lang ni hubby ng sahod at malaki kita ni tatay sa pamasada. Siguro mga dalawa o tatlong beses lang kami makapag karne sa isang buwan. Hanggang sa muli mga kaibigan. Lubos na nagmamahal ang inyong kaibigang gemeex.
3 comments
Ay wow. Isa yan sa lagi kong niluluto, sis. Happy breaky!
namiss na jud nako ang mais bugas sis uy, wala man na diri gud. Lami man ning inyong panihapon uy! paborito pud ni nako ang utan bisaya ayaw man gud ni hubby aning alugbati di nya type kaya hndi ako nakakaluto na nito.
Hihihi talaga po sis? Sige lang makakain ka rin po nyan ulit soon. Hihihi