May mauutusan at maaasahan na talaga ako mga momma, hindi ko naman inutusan si Exo na iligpit ang mga hanger na tinanggal ko, pero kinuha nya ito niligpit binigay sa papa nya kasi hindi nya abot ang lagayan ng hanger hehehe. Pero kada tupi ko ng mga damit na nilabhan inuutusan ko talaga sya mag ligpit ng hanger. Kanina lang hindi nag kusa lang sya. Pagkatapos nya sa hanger, yung mga damit naman nya na tinupi ko ang inabot nya sa akin kasi tumayo na ako naglagay ng mga tinupi sa drawer. Nakaka proud lang mga momma bilang isang first time momma.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Haha, masasanay na sya nyan sis ako din first time mom kaya halos ng ginagawa ni Exo mo ginagawa ni Adrielle ko
Hehehe tapos same tayo ng naramdaman sis nuh?
Oo sis, medyo una lng ako konti at ahead si Adrielle kay Exo