read.cash Log in
@XOperUs

@XOperUs in July 2022

@XOperUs

Nag enroll ako ng business class, once a week lang klase namin at isang oras lang din. At may assignments kami na trade challenge. Mag hahanap kami ng mga gamit namin na ipa trade. At dahil ito nalang ang gamit ko na hindi ko talaga na gagamit, yung singsing nagamit ko yan saglit, pero ang bracelet wala talaga, naka tago lang. Kaya ito ang pinost ko sa fb para ipa trade. Hihihi. Ayun at napalitan na yan ngayon, daming inofer na ipalit nyan pero ang na pili ko ay mamaya i…

@XOperUs

Sa mga shopee adik dyan o mga cumlaude ng shopee hihihi. Ano ibig sabihin nito magagamit ko ba to? Hahaha. Ngayon ko lang nakita sa shopee account ko eh hihihi. Kailangan ko na talaga i explore ang shopee para maka avail ako sa mga benefits na babasa ko dito na mga post about sa shopee shoppers hihihi.

@XOperUs

Dryran o final practice ngayon ng mga youth namin sa church para sa cultural show nila bukas. Ayan nag send ng picture si hubby, kasi andoon sya ngayon nag assist sa mga youth para din sa snacks and dinner nila. Manonood kami bukas ni baby Exo hihihi, sana mag behave si Exo bukas ss cultural show para ma enjoy ko ang panonood haha.

@XOperUs

Ito nalang muna ibahagi ko sa inyo ang final practice nila kahapon hahaha. Hindi ako naka picture kanina sa sobrang excited at tuwang tuwa nanonood sa mga youth namin nag perform sa cultural show kanina. Hingi lang muna ako ng picture ahahah para ma share ko sa inyo dito. Ang ganda talaga, successful ang youth cultural show kanina. Kakarating lang pala namin sa bahay galing nanood hihihi.

@XOperUs

Singkil! Presenting our Lahug Cebu City youth performers! Ito lang na hingi ko na photos nila kay hubby hahaha. Sa labas ng cultural na picture nila, tapos na sila mag perform nito, sila kasi ang finale. Maraming mga nag perform na mga youth mula sa iba ibang Lugar dito sa Cebu City. Hindi pa nalabas ang mga official photos and videos noong cultural show last Saturday eh. Pag lalabas yun mang hingi ako hahaha, credit ko lang dito. Photo credit hubby.

@XOperUs

Pangatlong dagdag ko na ito at naisipan ibahagi sa inyo kay history talaga ito sa aking sarili ahahaha. As in noon kumakain lang ako ng kamoteng kahoy na minatamis o ginataan na with sugar kunti lang kasi hindi ko bet talaga ang kamoteng kahoy. Mapaparami lang kain ko nito pag ginagawa na ng kakanin. Pero kani after ilang dekada nakalipas ngayon lang ako nakakain nito ulit at sobrang sarap na sarap ako dami ko nakain, una at ikalawan kuha ko sa kaldero ay marami talaga, ito…

@XOperUs

Bahaybahayan lutolutoan! Chef Exo! Naalala ko noong ako ay bata pa, sobrang hilig talaga namin mag pipinsan mag bahaybahayan, lutolutoan, bintabintahan. I'm glad talaga na may bata dito sa bahay pamangkin ni tatay dito na nakatira. May kalaro si Exo sa mga ganitong laro kasi walang gadget eh. So ayan nag take over si Exo sa ate Jessa nya hahaha, sya na nag lutolutoan.

@XOperUs

Mga moms ang ibang mga tao ba, ang dali nila mag sasabi na sundan na si Exo, nahirapan pa nga kami i provide ang needs ni Exo, dagdagan pa kaya?. Pwedi naman sundin ang sinasabi nila kung mag commit sila mag sponsor ng pangangailangan ng baby number 2 hahaha. Kung makapag sabi paulit ulit, mag offer na kaya sila ng sponsorship ano kaysa mag sabi palagi na sundan na si Exo, hahaha kaloka.

@XOperUs

Pagkatapos kumain ni baby Exo ng tinapay nang hingi siya ng walis kasi may dirty daw, yung kalat nya sa pagkain ng tinapay. At in fairness mga inay ha na linis nya talaga hahaha hinayaan ko lang at tinignan kung malinis ba talaga nya ang kanyang kalat. Sayang nga lang hindi ko na picturan kung gaano ka kalat, sa picture patapos na kasi sya kunting kalat nalang hihihi.

@XOperUs

First photo attached, pagkatapos kumain ni Exo ng biscuits ayun nagkakalat kinalat nya ang natirang biscuits nya sa mesa. Second photo, nilinisan nya ang mesa gamit lamang ang kanyang kamay sa pagpupunas ng mesa. Third photo, nag wawalis na winalisan ang hinulog nya sa floor na kalat galing sa mesa na pinagkainan nya ng biscuits. Hindi ko yan inutusan, nagtatanda na sya sa tinuro namin noon nakaka proud.

@XOperUs

Walang work si hubby simula ngayon araw hanggang sa 15, masaya ako pero malungkot rin at the same time kasi no work no pay sila eh hahahaha. Anyways mas gusto nya mag laba kaysa mag bantay kay Exo na wala sa mood hahaha. Decolor lang pinapalabhan ko sa kanya, ako lang sa mga puti mamaya.

@XOperUs

Naka ilang check out na ako nito perp hanggang check out lang, hindi ko kayang i place order ahahahah. Matagal na talaga ako gustong magkaroon ng dress na ito. Hahahha. Pero kailangan pigilan ang sarili wala pang pera ngayon. For my eyes only hahaha.

@XOperUs

Singkil dance! Cultural show! Lumabas na ang mga official photo last Saturday cultural show kaya naka hingi na ako ng photos pang bahagi ko dito sa inyo hihihi. Photo not mine ha, credit sa official photographer ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Lahug ward lang ito, ito lang ibahagi ko sa inyo kasi sa amin ito hahaha. Pero marami talaga nag present ibat ibang lugar sa Cebu.

@XOperUs

Nag Jurasic Park movie marathon mag ama ko, ako naman na hindi mahilig mga ganyan, mag kdrama nalang din ako dito sa kwarto hahaha. Tapos na ako maglaba mag sampay ng mga puti kaya pahinga muna mag kdrama ahahah. One week work vacation si hubby kaya masaya pero malungkot kasi no work no pay ahahah. Pero i enjoy nalang ang walang work sya para masaya kahit walang pera hahaha. Laban!

@XOperUs

Kagabi ito mga moms, akala ko patulog na sya kasi tahimik na sya nag dede na naka higa na kami sa bed. Biglang huminto at sinabing "punta tayo sa baba mama please punta ako kay lola, mamasahein ko si lala" Pero syempre bisaya yan pagka sabi ha, tinagalog ko nalang dito para ma intindihan nyo hihihi. So ayun nanga pinagbigyan ko kasi para walang ingay ahahaha, kaya ayan na makikita nyo sa photos attached.

@XOperUs

Face update, ahahah! Sa fb ko sana to i post ang face update kaso nahiya ako hahahah. Pero gusto ko lang naman i flex sa inyo ang necklace na nabarter sa bracelet and ring ko na set, kung naalala nyo yung post ko na about doon sa pina barter ko. Mga gold plated lang, hindi talaga totoong gold hihihi.

@XOperUs

Detdet muna kami sa bukid hahaha, pero kasama si baby Exo namin family date, hindi lang kasama sa picture kasi ayaw sasali hahaha. Bumisita kami sa kaibigan namin, sa tuktok ng mundok hihihi, magandang view sa kanila talaga, lalo na pag gabi kasi may mga lights na.

@XOperUs

Nag templa ako ng Birch Tree at sa water bottle ko lang nilagay para baon ni Exo. Naisipan ko kasi mag baon ng milk para hindi na sya mag dede pag nasa simbahan kami para sa bahay lang sya mag dede. Ayun effective naman hahaha, pag mag hingi sya ng dede nya, ang templado na gatas ang ibibigay ko kinakausap ko lang buti maniwala naman sa akin hahaha. Behave sya today sa church at nasa mood hindi nag tantrum hahaha kaya masaya ako hihihi.

@XOperUs

Parang true ang baby love Exo namin dito oh hahaha. Habang kausap ko ang aking August bride, si hubby nag babantay kay Exo at ang ingay nila kasi nag papiano na wala sa tuno kung saansaan lang basta pindot pindot lang hahaha. Pinicturan pala ni hubby si Exo, sinend nya sa messenger ko. Kaya masaya ako at naisipan na picturan ni hubby si baby para may maipakita kami sa kanya pag laki nya.

@XOperUs

Dumating na ang new collections ni ate na infinity dresses. Dusty blue naman, at coming na ang apple green. Swerte ang mga unang mag avail ng entourage package ni ate kasi mga brand new pa lahat, sila ang first user. May navy blue and maroon na din sya dito brand new din, wala pang nakauna mag rent sa mga color na ito.

@XOperUs

Isa sa happiness nating nga ina hahaha. Medyo marami rami naman ang snacks ni Exo ngayon, aabot pa ito hanggang katapusan kasi hindi naman ito araw araw ko pinapakain nito. Sponsors lang pala yan lahat para kay baby Exo namin. Naka tipid na naman kami sa pang snacks ni baby, malaking blessings talaga kasi ang hirap pa namin financially ngayon talaga.

@XOperUs

Binigyan ako ng pa advance birthday gift ng ka churchmate namin, President sa Primary Sunday school organization ng beauty products. Watsons product! Noong Sunday ito binigay pero na open ko ang gift kahapon ng hapon pa at ngayon ko lang maibahagi sa inyo hihihi. At mamaya ko naman ito gagamitin.

@XOperUs

Ayaw umalis ni Exo dyan sa pinag tatayoan nya, gustong gusto nya manood sa mga isda. Kahit buhatin ko nagmamatigas pa rin. Tuwang tuwa sya manood ng isda talaga. Mukhang mag aalaga ata to ng fish pet pag laki nito hahaha. Last Saturday pa yan nakuha larawan, noong dumaan kami sa pinag stayhan ng kaibigan ka dito sa Cebu. Ang funny pa nyan ay binuhat ni Exo mga flower pot tinabi para makakita sya ng maayos sa mga isda ahahaha.

@XOperUs

Teeth update! Dalawang taon at isang buwan na baby Exo namin at hindi pa completo ngipin nya, isant taona at tatlong buwan na rin kasi sya nagka ngipin hihihi. Story post ko pala ito sa fb messenger, ge screenshot ko noong nakaraang araw at ngayon lang naalala ibahagi sa inyo dito mga momma.

@XOperUs

Biglang lumapit si baby Exo at nag iingay ng " naa moon ma, naa moon ma sabay turo sa labas sa Langit , paulit ulit yan. Pag tingin ko may moon nga talaga malaki. Pero sa picture maliit lang hahaha. Kita nyo ba ang moon mga ka pinas mga kaibigan?

@XOperUs

Mag cash out sana ako kagabi sa na earn ko dito ge convert ko na kahit sobrang baba ng bch kasi may kailangan ako bayaran, every 15 at 30 kasi ako may hulugan noong na utang ko pagka hospital ng kapatid ko, pero unavailable ang cash out sa gcash at bank. Hala sana maging okay na ito before 15 or kahit sa para maka bayad, wala kasi akong ibang mapag kunan ng pang hulog kasi monthly na sahod ni hubby kada katapusan.

@XOperUs

Nag scroll2x si hubby sa fb group ng mga motorcycle rush sale. Lumapit si baby Exo sa papa nya at nakita ito. Exo : Add to cart na pa ha Hubby : Oo pag may pera na tayo. Exo : Hingi tayo ng pera ni mama, okay!? Hubby & Me : Ahahahahaha. Bakit sa akin mang hingi may pera ba ako? Hahahah.

@XOperUs

Naisip ko lang, kada kaarawan ko ay magkakataon talaga na wala kaming pera hahaha gipit palagi lol. Pero ayos lang ang importanti walang sakit at nakakain parin naman kahit paano. Pero hindi ko pa birthday ngayon mga kaingay ha hihihi. Sa bente singko pa ang aking kaarawan hihihihi.

@XOperUs

Nakita si hubby ng pinsan nya dumaan galing nag basketball, kaya pinigilan muna sya ng makadala ng pancit pauwi. Sa isang plato pinag halo lang ang spaghetti at pancit. Kakahiga lang namin ni Exo ng dumating si hubby, kahit busog na kami sa hapunan namin kumain pa rin kami ni babh Exo nito hahah. Mag ina nga kami sobrang mahilig sa pancit hahaha.

@XOperUs

Nakalimutan ko mag kwento sa inyo kagabi about kay Exo hahaha sobrang natawa talaga kami. Nanood kasi ng mukbang vlog si nanay sa cellphone, lumapit si baby kay nanay nakinood din, tapos mayamaya nang hingi ng rice at sabay hawak sa tyan nya. Nagutom din sya nanood sa mukbang video ahahaha. Kaya hingi ng hingi ng rice. Natawa kami kasi na apektuhab din pala sya sa pinanood nya na video mukbang hahahah. Kaya ayaw ko manood talaga ng mukbang videos eh hahaha

@XOperUs

Alam nyo ba mga ina sa kaka nood ko ng mga mommies na blogger sa fb, parang gusto ko na rin mag vlog2x hahaha. Pero ang tanong ano kaya ang i content ko? Ahahah. Wala akong talent sa pag gawa ng content na mapapa click sa video mo mga people hahahaha. Taong bahay lang kasi ako at may wifi, kaya gusto ko sanang mag vlog2x din hahaha para may ipang bayad sa wifi monthly lol. May ma i suggest ba kayo dyan? Hahaha

@XOperUs

Mga inay suggest naman kayo dyan ng ipangalan ko sa fb page vlog namin ni Exo hahaha. May page na ako dati sa ukay-ukay business collections ko, pero isang taon na rin ako huminto mag binta ng ukay-ukay collections ko kaya naisipan ko i change name yun gawin kung vlog namin ni Exo, kasi eligible na yun sa monitize dahil my 1kplus followers na yun eh hihihi. Beke nemen mga inay dyan hahaha. Hirap mag mention ahahha. Elems nye ne yen! Hihihi

@XOperUs

Ayan mga moms naka rename na ako sa aking page hahaha. From business to personal blog. Beke nemen may mga time kayo saglit padaan saglit sa aming tahanan ni Exo ahahaha. Nang hingi pala ako ng suggestion din ng ipangalan sa blog namin ni Exo at, ayan ang nagustuhan ko na ge suggest na pangalan ayan ang pinangalan ko agad.

@XOperUs

Ang baby love namin kumain ng patola at repolyo na ginisa sa sardinas ulam namin ngayon hapunan. Saan aabot ang 40 pesos mo na magkasya na sa anim na tao at busog na busog pa? Hihihi lima sana sabihin ko at biglang naalala ko counted na pala si Exo kasi marami na rin makain eh hahaha.

@XOperUs

Zoom in, Zoom out hahaha! Mukhang cat lover ang baby Exo namin, hindi sya takot sa pusa, pero sa aso takot sya. Hahalikan pa sana nya ang pusa pero pinigilan ko kasi madumi yan walang alaga sa paligo. Sa kapatid ni tatay kasi yang dalawang pusa na kapit bahay lang namin at dito na rin sa bahay tumatambay at kumakain hahaha. Nakita hinimashimas at kinakausap ni Exo ang dalawang pusa kaya pinicturan ko at after picture inalis ko na sya sa pusa hahaha.

@XOperUs

Iniwan kami ni baby Exo sa church hahaha sumama sya sa tita rei at nana nya sa bahay nila, malapit si hubby kasi sa familya nila parang kapamilya na talaga nila si hubby at churchmate din namin sila. Ayaw pa awat ni Exo gusto talaga sumama, ayaw ko sana pasamahin kasi baka iiyak lang doon mag hanap sa akin, gustong gusto nya talaga sumama, hindi rin naman ako makasama sa kanya kasi may hinihintay pa ako na bride to be, mag meet up pa kami para sa gown nya. So ayun nga sinama…

@XOperUs

Happy Monday, happy Weekdays everyone! May video si Exo na inapload ko sa fb page blog namin, baka gusto nyo makita ang ginawa nya hahaha. Watch til the end nanglilimos si Exo hahaha. Natawa ako na parang naawa hindi ko alam ang naramdaman ko noong ginawa nya yun. Sa curios dyan ang name ng fb page namin ay XOper Us, click this photo attached para makita ang profile hihihi. Maraming salamat na agad sa pupunta at mag iwan ng bakas hahaha.

@XOperUs

Pinaalala sa akin ni Google na malapit na birthday ko hahaha, hindi ko na kasi iniisip birthday ko kasi wala akong pang handa, ordinary day lang hahaha. Pero syempre grateful ako sa mga blessings na binigay sa akin ng ating Panginoon lalo na sa protection palagi na binibigay nya sa aking pamilya.

@XOperUs

Buong araw kahapon ako hindi naka hawak ng cellphone, nilagnat ako huhuhu. Buti ngayon medyo okay na ako hindi na masakit ulo ko, medyo nahihilo nalang kunti. Bioflu na gamot ininom ko kaninang madaling araw yun ata nagpapagaling sa akin hihihi. Anyways noong nakaraang araw kuha ko itong larawan, 6:30pm na pero maliwanag pa ang kalangitan hihihi.

@XOperUs

Last week ito na menu! Pero ang i kwento ko sa inyo ngayon ay hindi related sa photos haha. Kanina umaga after ko mag post dito, nang gigil ako sa binabad ko na mga puti noong isang araw, dahil hindi na masakit ang ulo ko kunting helo nalang, kinusutan ko ang binabad na puti. Kinusot lang si hubby na magbabanlaw at magsampay. Inisip ko kasi kaya ko lang kasi uupo lang naman mag sabon mag kusot. Natapos ko nga, pero mayamaya sumakit ulit ang ulo ko, nabinat talaga ako.

@XOperUs

Laging nangangalay ang hita hanggang binti ko, lalo na buong araw kahapon hanggang gabi. Sabi ni hubby mag exercise daw kasi ako tamad kasi ako mag exercise hahaha. Hindi ko kinaya ang pangangalay kahapon kaya napa search ako sa Google ng home remedies ano gagawin para mawala ang pangangalay, ayun number talaga na ipagawa ay ang pag exercise tama nga si hubby hahaha. Screenshot photo from Google is mine.

@XOperUs

Ang alam ko pag gising sa umaga best uminom ng warm water. Dahil medyo inubo ako, kanina ang warm water nilagyan ko ng katas ng lemon, parang mali ata ginawa ko sobrang hapdi ng tyan ko. Tama ba yun o mali? Hahhaha. Dapat ba kumain muna ako nilagyan ng laman tyan ko bago ko ininom ang warm water na may katas ng lemon?

@XOperUs

Hinanap ko ang pangalan sa kinain ko, iba naman naka lagay sa papel na nilagay nila sa plastic hihihi. Understood na daw kasi basta mani yan hahah. Infairness nagustuhan ko hindi masyadong matamis, kunti lang sugar, mas marami ang mani kaya nasarapan ako.

@XOperUs

Naguluhan na siguro si baby Exo namin sa nagbundok na tupiin na tinabi ko muna sa bed namin. Ako na umupo muna sa sulok ng bed namin na nakataas ang tuhod nag cellphone at bigla nyang nilagay mga damit sa harapan ko sabay sabi na "tupiin mo yan ma ha" paulit ulit nya binabanggit yan tuwing mag lalagay na naman sya ng damit sa akin hahaha.

@XOperUs

Nag halungkay ako sa profile ko sa fb nag hanap paano i turn off ang birthday notifications subukan lang sino lang talaga ang makaalala sa aking kaarawan na mga kaibigan hahaha. At itong screenshot photo attached ang nakita ko lol. Ang cute lang may ganito na pala si fb pwedi na i set ang fb account mo pag namatay ka bigla eh matic ma delete account mo pag gusto mo i delete or ipamana mo sa iyong pamilya hihihi.

@XOperUs

Noong birthday ni baby Exo namin sa isang mamahalin na swimming pool kami nag celebrate, may mga titas titos nag sponsor kasi kaya nakaligo ng swimming pool hahaha, yung mga mura lang ang entrance kasi ay close parang sila lang ang open at medyo malapit lang din sa amin. Pinalaro muna namin mga babies namin at nag pose muna kami mga inay ganun! Hahaha Throwback photo na ito ha, noong May 26 birthday ni Exo hihihi. .

@XOperUs

Abunda ang bunga ang tanim na patola ni nanay, isa na ito sa na harvest nya ngayon ang laki. Sa sobrang dami, pinamigay sa kapit bahay at ang iba bininta. Kada gulay kada luto ng ulam hinahaluan namin ng patola kasi hindi na uubusan ng bunga ang patola plant ni nanay eh hihihi.

@XOperUs

Good job naman ang baby namin tumulong din mag ligpit sa mat pagkatapos nila nag yoga exercise. Last week pa ito na activity hihihi ngayon lang maibahagi sa inyo. Kamusta pala kayo dyan mainit ba dyan sa inyo? Dito sa amin ang init sobra hihihi

@XOperUs

Ang sarap mag babad ngayon sa tubig sobrang init talaga. Anyways ang larawan na ito ay isang throwback photo nalang. Nag palit ako ng profile picture ko sa kabilang social media account ko. At ito ang napili ko na ipalit, ito na ngayon ang bagong profile picture ko sa kabila hahah.

@XOperUs

Kay bilis ng panahon lumipas, baby pa ang Exo namin dito oh two years ago, si papa naman nya ay multi-tasking, work habang karga si baby. Parang naintindihan naman din ni baby kung maka tingin sa laptop ng papa nya napakaseryoso. Buti nalang na imbinto ang cellphone na may camera ano? May mabalik balikan tayong mga inay na mga alaala ng ating mga baby na lumaki na hihihi

@XOperUs

Sa kay tagal tagal ng pag lettering ni hubby ngayon lang sya nagandahan sa finish product nya ahahaha. Pinakita ko sa kanya ito, sabi nya wow maganda pala ang ginawa ko na lettering hahah kaloka. Kada pagawa ko kasi sa kanya, laging nag rereklamo na "Bakit ako na naman mag lettering eh pangit ang gawa ko.

@XOperUs

Nag crave ako ng papaya na matamis na malamig kahapon, kaya bumili ako ng papaya tag 50 pesos. Pag dating ko sa bahay ni ref ko agad at mayamaya kinain ko na kasi lumamig na kunti, pagka kain ko naku ang tabang, wala talaga akong malasahan na tamis, sobrang nakaka disappointed talaga. Kahit ma tabang inubos ko pa rin ang isang slice at ngayon itong kalahati na tira kainin ko pa rin kasi Inisip ko sayang ang 50 pesos ko hahaha.

@XOperUs

Ginawa ko nalang minatamis ang nabili ko na sobrang tabang na papaya, nilagyan ko ng sugar at powder milk. Napa sobra naman ng sugar ayun sobrang tamis tuloy, hindi ko kinaya ang tamis huhu. Kunti lang din nakain ko kasi hindi ko kayang kumain ng sobrang tamis ng sugar. Kanina hindi ko kayang kainin ang sobrang tabang, ngayon naman hindi ko kinaya ang sobrang tamis ng sugar hahaha, naparami ang pag lagay ko ng sugar.

@XOperUs

Noong merkules ito, pinicturan pala kami ni hubby habang busy sa pag decorate hihihi. May kasal kasi pagka Thursday tapos kami kinontak magpa decorate sila sa kanilang backdrop sa wedding reception. Intimate Wedding lang din kasi simple at kunti lang budget nila sa decorations. Pag mga intimate at simple lang talaga kami kinokontak, pang budgetarian bride lang kasi kami hihi.

@XOperUs

Nag memory full na ang phone gallery ko mga momma, kaya operasyon linis ako, from 400+ videos naging 8videos nalang at from 5k plus na photos naging 3kplus na ngayon. Hindi pa ako tapos sa pag lilinis hahahah, pinopost ko sa fb naka only me lang walang ibang makakita. Sobrang dami ko pa iupload na photos sa fb. Kada uploaded done na sinusunod ko naman burahin, pero ang hirap mang bura hahaha, mga photos lang kasi halos lahat ni baby Exo eh hihihi.

@XOperUs

Ito yung ka churchmate namin na nilalapitan ni Exo palagi, malapit sya sa kanya. Hindi lahat ng ka churchmate namin nilalapitan nya pili lang talaga. Kanina iba kinarga nya na baby yung baby girl, pagka kita ni Exo na umalis sya at karga ang baby girl na yan, naku humabol si Exo nag seselos hihihi. Dalaga pa pala yan si ate jaen nya, finding ka foever pa yan hihihi.