Morning everyone Medyo hindi maganda ang gising ngayon masakit ang ulo ko po.. Lagi na lang din ako may panaginip araw araw may panaginip. Ngayon po about sa bff ko para akong nanonood ng pelikula sa pagka haba haba ng panaginip ko. Nagsimula sa school yung panaginip ko nagaantay kami sa mga bata. Hangang sa iniwan nila ako andon sila sa isang mayamang babae daw sila nono, si bes tapos yung mga bata kasi pala inaantay nila ako kasi may binili akong manok ulam namin sa bahay. Tapos ayon po naabutan ko daw mga bata na naglalaro lang tas si bes naman ay nagliligpit na para makauwi na nga kami. Tapos nagpaalam na kami sa may ari ng bahay. Hangang sa makalabas na kami ng bahay merong lalaki ang lumapit sa amin na sandali lang daw at ihahatid nalang kami pauwi. Pumayag naman kami pagkatapos sumakay kami sa van niya si bes nasa unahan katabi nong driver tapos kami nasa likoran lang nila. Habang nag ddrive panay ang kwento nong lalaki medyo matanda na din siya. Ang sabi niya yung bahay niya daw ay may nakatirang mga katiwala niya mga nagaaral pa daw tas ung isa daw ay isang guro na at scientist pa daw. Sabi namin ni bes wow naman po ang bait nman niyo at napag aral niyo sila. Sabi naman niya oo may utang na loob kasi ko sa magulang daw kaya pinagaral niya mga bata kapalit daw ng ginawa saknya ng magulang. Nakita nga namin pilay ung isang paa nong matanda. Hindi namin namamalayan eh nasa malaking bahay kami pero ang nkapagtataka kami nalang ni bes wala na yung kapatid ko wala na din mga anak ko. Biglang kami nalang tapos pinapasok kami sa loob ng bahay nong matanda. BiglanG lumapit sa bes ang sabi niya tulungan daw siya kasi siula daw nong nakapagtapos ung isang bata na naging guro scientist ay bigla da itong nagbago naging masama daw ito sa katutuhanan daw ito ang dahilan kung bakit siya napilay. Tapos ako naman ay medyo natakot sa itsura ng bahay parang abandonado na siya pero maganda parin naman tlaga. Nakita ko si bes umakyat ng hagda parang d niya alam kung san pupunta sinundan ko siyaPagdating sa taas may narinig siyang kalampag sinondan niya yun. Pagkatapos ay binuksan niya isang kwarto at Nakita niya yung babae nakatali ng patayo doon namin napagalaman na yung matanda ang masama sabay kmi ng nasa isip ni bes takbo kami pababa. Pero andon yung matanda sabi hali kayo at handa na ang mhapunan nalala namin na gabi na pala tas yung mga bata nag aantay sa amin. Sabi namIn nako po wag na po gagabihin na kasi kami sa daan. Nakita ko umiba yung mukhan ng matanda bigla itong ngunisi at bigla nalang hinawakan yung buhok namin hinila para makaupo sa kusina. Pero hindi kmi kumain ni bes nong magkaron ng chance ay tumakbo kami palabas hangang sa nakarating kami sa kotse ang nkapagtataka eh si bes biglang marunong siyang mag drive sabi ko marubong ka ba mag maneho sabi naman niya susubukan ko kisa mahuli tayo. Buti nalang na start ni bes yung matanda nasa may gate sabi ko pano tayo mkkalabas, sabi ni bes bangain mona nong babangain na ni bes yung matanda bigla si bes nanghina kasi yung matanda ay naging kamukha ng papa niya. Hindi ko alam pero biglang nawala si bes ako nalang ang andon tas biglang naiba nanaman yung pangyayari iba na yung panaginip ko. Nasa achool ulit mga bata daw na naghaharotan may bata na tinawag ng isang ina para buoin yung puzzle ang galing nong bata kasi mabilis niyang nabuo. Tas may isang parents na tinawag ng isa ding parent na Tara na mamanhikan na daw yung magulang nong manliligaw ng anak mo. Sabi ng mama eh 11 years old lang ang anak ko. Tapos bigla nako nagising hehe ang gulo ng panaginip ko talaga ngayon. Pasensya na ang haba na..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
May gnyan tlgang panaginip minsan