Labada mode muna tayo habang itong mga chikiting ay busy din sila sa paglalaro ng kanilang skooter. Sana ay maghapon ang init para mkapatuyo ako ng mga nilabhan. May isang timba na akong matatapps banlawan at isasampay kona hehe.. kayo ano po pinagkakaabalahan niyo jan?
@WondergirlwriterOnNoiseApp in August 2022
Katatapos ko lang magwashing,magbanlaw ar magsampay. Tapos biglang kulimlim ano nakakatuwa naman ang panahon nating ito. Sana ay uminit dahil nakakapagod yung kukuhanin tapos mamaya ay babalik nanaman. Pataps nq din ako sa aking pag gegeneral cleaning ng bahay cr nalang ang huli mamaya kapag maliligo nako sabay kona siya sa pagligo habang naglilinis.
Ang pangit pangit daw ng ginawa kong bahay bahay kagabi. Kaya kanina kinukulit nila yung tita nila yung bunso kong kapatid na gawan sila ng bahay bahayan. Dahil sa magaling mag drawing kapatid ko ayan yung gawa niya hehe. Kaya imbis matulog ay yan naglalaro sila mamaya ptutulugin kona dahil mauuna pakong makatulog.sakanila eh
Hays napagod lang sa wala ito yung nakakainis na lakad buti nalang at nakauwi na kami kung hindi ay naabotan kami ng ulan. Sumama ako kanina kila bes pauwi dahil maghahaanp kami ng dito na sim kaso nakakuha naman kami kaso naman ang isa ay 200pesos grabe naman bili lang namin ng DITO SIM ay 40-50 pesos lang eh malayo pa ksi palengke sa amin. Tapos yun nga naisip kong maglibot bka meron sa.ibang tindahn pero wala no choice sa palengke tlaga mkakabili nito ayoko muna kasi mag…
May tira pang avocado na hilaw nong nakaraan tingnan ko don sa bigasa nila mama ay hinog na sila humingi akong tatlo pang himagas namin ngayon. Hindi na ako nag dinner busog na kasi ng aming mryenda kanina. Salamat sa libreng meryenda ni bes kanina,kikiam at kwekkwem kaso wala na naubos agad nv mga bata kaya hindi ko na napictureran hehe.
Dahil nakatulog ako kaninang tanghali ngayon tuloy ay gsing na gsing pa po ako. Yung isip ko kung san san nanaman napupunta eh, siguro need ng ipahinga muna kasi gabi na pagod na din yun hehe. Thank you guys sa walang sawang pagsuporta niyo sa aking mga post malaking bagay po yun sa akin. God bless po sainyo good night na po bukas naman po ulit...❤️❤️❤️🙏🙏🙏
Nabulahaw ako sa isang tawag, nakalimutan kong mag silent ng cp kgabi kasi mag aalarm ako. Tumawag siya aakala ko pa naman kasi d naka reg numbr ay j&t kaso wala naman akong alam na may order ako. Inisip ko din baka si bes kaya sinagot ko babae boses akala ko tlga boses ni bess eh d ang unang sabi ko" oh kumusta "tapos nong nagsabi na siya na "hala sino ka? Eh d don na ko nagising ng tuluyan binaba kp agad tapos ayan na tex niya nong dkona sinagot tawag niya. Blocked na din…
Andito ako ngayon sa palengke bibiling pagkabuhay. Hindi nakasama si bes masama ang kanyang pakiramdam kawawa naman. Ano kaya nanaman ang uulamin namin challenge sa akin 200 pesos sa aking pamamalemgle ngayon ano kaya ang mabibili natin dito hehe...
Sana naman maghapon ang init ngayon dahil dami kong sinampay sa taas at sa labas eh. Kumusta kayo guys ito pahinga muna bago magsasaing asikasohin ko pa yung aking alagang si labby ppaliguan at lilinisan ang kanyang tulugan. Medyo inaantok nga ang diwa ko ngayon nilalabanan ko hehe parang gusto ko sana g matulog kaso alanganin na ang oras... Mabuti nalang at nakaluto na agad si mama ng tanghalian hihingi nalang ako hehe nilaga g baboy gusto ko sanang ay repolyo kaso kangkong…
Lunchtime po guys ito po kattapos lang namin kumain. Corn beef na lang inulam ng mga bata paborito naman po nila ito. Ang ayaw lang nila sa delata ay yung tuna yung may mga kulay d nila gusto yung lasa. Kumain na ba ang lahat? Pahinga muna pupunta kasi ako sa school ng anak ko enroll ko na si kambal sa kinder..
Ang batang ito ay sabi kong matulog na tama ng laro kasi aalis ako ayan ganado pa tlga siya maglaro ako ang inaantok eh. Sana wag umulan dami kong sampay sa labas hehe. Patulogin ko muna sila para walang makulit sa pagalis ko...
Andito ako ngayon sa school ng aking anak nagpaenroll sa kambal. Sa sunod naman ay yung pnganay ko wala pa kasing chat teacher niya kung san magpapaenroll kaya si kambal muna ang inuna ko. Napakainit ngauon po dapat lagi ka nakakainom ng tubig para hindi matuyo lalamunan mo... Magandang hapon sainyong lahat..
Kadarating ko lamg po kaingay, sakit ng aking paa,ulo at likod maghapon kasing gumala ito po nagkaron ng paltos yung aking paa dahil sa tsenilas ko parang dina ko sanay magsuot ng matagal sa tsenilas nasanay na laging nakasapatos kapag aalis nong nagwawalking kmi ni bes. Sobrang pagod ngayong araw na ito makakatulog ako nito mamaya ng maaga ngayon palang nga eh naantok nako..
Magandang gabi po Kumain na po ba kayo Kami ay kanina pa tapos ito po ulam namin kanina kikiam hehe pero sarap n sarap mga bata pati nga din ako kaya busog pa hangang ngayon pero ramdam kona yung pagod ko maghapon naantok na din akong talaga. Sana bukas ay ok din ang lahat..
Nagising ako sa ingay ng mga aso panay ang kahol sa labas tapos naccr din ako. Hindi ko na namalayan kagabi nakatulog na pala ako sa sobrang pagod siguro po. Sana ay makatulog agad ulit ako Napakaaga pa para magising, tumahimik na din nman yung mga aso ang maririnig mo nalang ay mga huni ng kuliglig at mgatilaok ng manok. Mamaya maya ay maliwanag na, parang namimis ko na mag walking yung ggigsing ka sa umaga tapos papunta kayo sa beach aabamgan nito yung pag bukang liwayway…
Nagising ulit po magandang umaga dahil malamig ngayon po nagluto akong luccky me nilagyan kong kanin ito na almusal namin ngayon. Pahinga ko din ngayong araw na ito wala akong labahan medyo masakit ulo sa puyat siguro tara po kaingay kain tayo..
Lutang na lutang po ako ngayon kaingay.. Halos hindi pako nkakaligpit ng pinaghigaan namin kagabi. Pati maaghugas ng pinagkainan kanina. Ang ngalay kasi ng aking katawan mula sa balikat ko tapos pakiramdam ko lumulutang ako pag tumayo kaya iidlipan ko muna po guys.. Baka ok na mamaya po ako at maasikaso kona mga bata naglalaro sila sa labas.
Katatapos lang namin kumain po ito yung mga chikiting ko busg na at kuamkain ng banana. Nadagdagan ang aking anak yung pamangkin ko na nakared ay laging andit sa akin nakikipag laro sa kanyang mga pinsan. Ang cute2x nila tingnan kapag magkakasama nako madadagdagan pa yan kapag lumaki na si baby timothy weeks palang kasi siya...
Nakakasilaw ang init na nagmumula sa labas na pumapasok sa bintana. Pahinga time na tayo mamaya patutulogin kona mga bata busy pa mag cp. Naantok ako dito aa upuan kaso d sila nkakatulog hanggat hindi ako katabi.
Napakainit na hapon po... Kagagling lang salabas at bumili ng meryenda ng mga bata turon ang aking nakita super init sa labas tlgang tagaktak pawis ko paguwi. Meryenda po tayo salamat sa noise at nkabili ng meeyenda at sainyo din po kaingay...
Sa wakas at akala ko ay bulag na ang mga bagong panganak na tuta namin ito yung isaa ay nagmulat na pero maliit pa ang kanyang mata ito siguro ang paanganay. Ito yung hihingiin ni bes tabachingching na nga hehehe nakakagigil pagmasdan eh.
Kumain na po ba kayo kaingay, ako ito po kakain palang ang aking ulam ay indomie pansit canton. Masarap naman po ito hehehe masarap pala din iulam siya akala ko pwd lang pang snacks. Pantawid gutom na din ito kaingay kayo ba ay kumain na din ba? Mga bata tapos na ako nalang ang hindi pa kumakain. Kaya ito lutuin kona para makatapos at makapagpahinga na din.
Nagising ako grabe ang ulan Sa labas buti nalang at nalagyan na ni bes ng trapal sa labas at hindi na pumapasok sa loob yung ulan. Sana tumila din at aalis pa naman bukas ibuhos muna lahat ngayon ang iyong ulan. Ang lamig lamig pa naman sakit sa ulo ang lamig. Dito muna ko hihiga at iiwas sa ceiling fan sa loob ng kwarto.
Magandang umaga guys kaggising lang po ulit. Ito prepare kona yung agahan ng mgabata aalis din kasi ako ngayon sasamahan ko si bes. Kumusta tulog niyo, ako ay putol putol ang tulog kaya medyo antok pa pero ito bumangon na po.
Kadarating lang galing sa bayan pumunta kami school ni bes inasikaso yung sa mga bata. At ito may bisita nanaman ako si aling maliit andito sa bahay hehehe sabi ko pictureko siya ayan posing naman agad. Nakakawala ng pagod ang batang ito hehe.. napakainit sa labas kaingay...
Lakas ng ulan ngayon kaingay ayan po madilim ang aming paligid dahil sa ulan po. Pero mabuti nalang at may trapal na at hindi na pumapasok sa loob yung buhos ng ulan. Tara idlip muna tayo kasi masarap matulog kapag ganitong panahon malamig hehe..
Sarap n sárap pa naman kanina tukog ko kasi malamig at maulan kaso ginising ako ng anak ko dahil may tumutulo sa ulohan niya. Ayon tuloy ay sakit ulo ko ngayon nagulat at deretso bangon hehe. Tapos banda dito sa kusina ay tumutulo din ang ulan. Masarap sanang gantong panahon pero wag yung sobrang lakas dahil talagang magtutuluan parin yung bubong namin kasi yung iba dpa nalagyan ng volcasel.
Ito nanaman po ako pinang gigilan ko itong mga cute na tuta namin. Ang isa dito kay bes itong taabachingching na ito sabi ko palit kami ayaw niya makipagpalit hahaha. Ang cute kasi eh taba taba ng mukha siya lang pinaka malaki sa apat. Ktatapos ko lang maaglinis ng bahay katitila lang din ng ulan malamig dito sa amin. Yung tirang ulam kanina yun nalang ulam mamaya iinitin nalang mamaya..
Goodnight everyone po Ito kami ay nakahiga na dko na maantay si tubig dumating naantok nako bka kpag maaga ako nagising mamaya ay magiigib ako maaga. Napakalamig po ngayong gabi may low pressure ata kasi dito sa bicol. Wala yung isa kong anak andon sa kabila ilang days na siyang natutulog sa tita niya nagugustohan nanamn doon matulog pero pag tanghali andito siya sa akin... Namis ko nga kasi bago kami matulog ay kinikis at kinukulit tinatakot ko pa minsan para yakapin akong…
Gandang umaga kaingay.. Kukusta tulog niyo ako deretso naman kaso sakit ng aking balikat nagigib pa kasi ako kgabi nkataps ako mga 12am na yung tubig kasi dito sa amin tagal dumating tapos ang aga naman mawawala. Kaya ito magkakape muna bago magasikaso ito nga pala yung tumbler na bigay sa akin ng tita ko ginamit ko siya kahapon tapos hindi ko naubos kape ko siguro nabalikan ko mga 6:30 na nagtempla ako mga 4 ng hapon pero ang galing at mainit parin siya parang thermos na…
Kumusta kayo kaingay now lang nkapagpost medyo antok pa kasi ito knina nagluto akong macaroni soup para sa almusal namin hangang meryenda na ito mamaya hehe... Now palang ako nagutom hahaha tara macaroni soup tayo...
Kumain na po ba kayong lahat kaingay.. Kami ay katatapos lang po ito ulam namin knina nagadobo akong manok ang nakakainis ay brownout sa amin ngayon simula kaninangga 10am ata hangang 5pm daw po kaya ito paypay to the max kami mamaya sa mga bata.
Nagkapalit ata tayo ng relos bes kasi pinaglaruan ni bebe relo ko napansin ko kanina. Ok lang sana magkapalit ang kaso alam ko may topak na yang relo ko kapag hindi suot ay tumitigil siya. Sabay namin inorder sa shoppee nong mag sale at free shipping hehehe matagal na nga rin pala itong relo na ito at kahot mura ay magaan lang siya dalhin at nagagamit mo sa pang araw araw. Nahirapan ako magonline kanina nagloko si dito kaya now lang po nkapag post mga 6:00pm na po bumalik…
Napakaingay ng pusa sa bubungan kaya ako nagising. Taapos deretso ako baangon para tingnan yung cp ko kung fullcharge na. Aba chinarge ko itong cp ko kagabi bago matulog siguro mga 10pm na tas tulog nako pagising ko ngayon 28percemt parin pero nag chcharge naman. Kaya ito imbis matulog ay binabantayan ko parang namimili ang charger ko ng saksakan. Kasi nong lumipat ako banda sa sala sa may upuan nagdagdag na yung charge na kahit gamit ko. Pasaway na charger ito dko alam sino…
Late ng nagising ang mga bata mga 9am na ata late na din ako nkapag prepare ng agahan nila kaya ito nalang bumili nlang ako pandesal ta templa gatas nila saw saw nalang daw nila sa gatas yung tinapay. Nafull cp ko umaga na nakatulogan kona pagbabantay namili tlga siya ng saksakan yung charger ko hehe. Tara almusal po tayo magkakape lang din ako...makulimlim na panahon po dito sa amin.
Busy naman ang mga batang ito. Yang nasa gitna na bata na yan ang pinakaboss sa tatlo akala mo siya ang panganay kaysa sa kuya niya. Gusto niya siya lagi hahawak ng cp yung dalawa makikinood lang or maglalaro lang sa cp. Kaya saknya nauubos ang data ko mahilig kasi soya manood ng youtube or mga tiktok dance na gngaya nila hehehe hinahayaan ko nalang kaysa sa mangulit sa akin lalo na at busy ako.
Hapon na po pala at ilag oras nalang ay madilim nanaman gabi na. Nakaidlip pala ako gising na mga bata nagiingay ng gutom na sila. Grabe kasi yung puson ko kanina hangang sa may maselang bahagi ng aking ktawan ay masakit siya dko alam pano gamotin kahit anong pilit kong makatulog ay naggising ako tas nong alanganin na yung oras para matulog don naman ako nakaidlip. Siguro ay darating na ang buwanang dalaw ko kaso grabe nan masyadong advance kong sumakit hays... Feeling ko ay…
Ppahinga tayo maaga ngayon, dko malaman kung san ang masakit sa akin, may sa puson,may sa tagiliran. Maagaa kami kumain para makanom agad nako gamot at mkapagpahinga na mabuti nakahnaap pa si mama ng gamot ko dati.. bukas nalang po ulit kaingay...
Morning everyone sunday na pala ngayon bilis ng araw.. Kaggising ko lang po sobrang sama ng pakiramdam ko kagabi late na tuloy gumising ngayon nasa higaan parin hirap bumangon sakit ng aking puson at balakang. Sana ay reglahin na ako para matapos na itong pagdurusa ko..🙏🙏🙏 Kumusta po ang inyong tulog? Linggo ngayon sana ay maglalaba ako tambak na kaso dko ata kaya bka bukas nlang pag ok na..
Dahil masama pakiramdam ng mommy lahat sila nagsibalikan din sa higaan hehe kanya kanyang pagkaabalahan. Kahit si tata bem ay andito nakiki hotspot sa akin. Antok na antok pako idlipan ko muna po kaingay...
Biglang sakit nanaman ang aking puson ko hindi kasi lumalabas masyado. Kaya ito gutom na mga bata hindi ako makabamgon pinakuha kong papel at lapis para ilista yung bibilhin niya. Inutusan ko nalang sila na ibigay sa tindahan para makabili ng meeyenda nila..
Gandang tanghali po ganado ang mga bata ngayon kumain. Nagluto akong paksiw at prito salamat at nagdala si bes ng lulutuing ulam tara po kain tayo..
Maulang gabi po sainyong lahat. Ito po andito ko sa isang karenderya at bibiling ulam namin po. Maulan ngayon bibili nalang po ako wala na Din kasing stock sa bahay. Kayo pp kumusta ang maghapon niyo ngayon? Nabudol ba sa 8.8 sale ni shoppe at lazada? Sana ay maayos din ang inyong buong maghapon tulad ko. Kahit na d nagkakaintindhan minsan pero andon parin yung respect at love sa isat isa kaya mganda yung naguusap pagkatapos hehehe
Magandang gabi kumain na ba kayo? Kanina pako nagpopost kaso hindi maupload yung pic signal siguro panay ulan kasi dito sa amin eh. Tapos bigla kaming nawalan ng kuryente ngayon hindi pa naman ako nakapagcharge konti lang kanina tapos nag brownout. Kung alam ko lang e d sana inagahan ko pag charge. Sira na pati yung mga powerbanks. Sabi daw may pumutok daw na transformer kaya nawalan ng ilaw sa linya namin.
Nagising ako ngayon kasi pakiramdam ko basang basa yung damit ko. Ayon nga basa nga kasi umihi yung isa sa kambal. Ginising ko at pinalitan ng damit nagpalit din ako ng damit yung labahan na lang din at maliligo nalang bukas ng maaga. Tapos wal na akong mapwestohan sabi ko doon ako sa upuan sa labas. Sabi nila ok mommy, tapos yun na pwesto na ko sa upuan at nag fb muna nagpost na din kasi bday ng daddy nila. Mayamaya dumating yung isang kambal takot daw siya wala siyang…
Super tamad po akong magpost ngayon kaingay... Kayaa now lang ulit nkapag online dahil dko maintindhan ang aking pakiramdam kaninang umaga sobrang tamlay na inaantok gawa siguro nong nagising na madaling araw or wala lang pera hehehe sakit ng mga nanay kapag wala ng pera lahat na nagsasakitan ang katawan hehehe Pero naubusan akong gas yung kalan kaya nanghiram ako ky bes pambili muna ayon nga sa kakalibot namin ay wala kaming nakuhang nagrerefil ng super kalan ang hirap na…
Magandang umaga po kumusta ang inyong tulog? Ako nagising ng maaga bka masi mag walking kqmi ni bes ngayon kaso mukhang pagod at tulog na tulog pa siya. Gusto ko sana bumili din ng pandesal namis ko na tas sawsaw sa kape hindi po ba kaingay masarap yun hehe. Nasa higaan parin din ba kayo tas cp agad ang hawak tulad ko ...
Luto tayo ng indomie ngayon minsan lang naman po. Ito ang aming almusal tinanghali na ng pagluluto kaggising lang kasi ng mga bata. Masarap kapag bagong luto pa. Kayo po ba ay nagalmusal na rin ba?
Malapit na pala ang pasukan.. kahit na hindi pa pasukan ay maganda na yung ready. Kaso laging kapos kaya dko pa nabibilhan ng gamit sila. Tatlo pa naman ang papask ngayon dahil kasama na yung kambal. Yung panganay ko yun lang dati ang pinapaaral kokya medyo ok pa yung budget hehehe. Baka paisa isa muna kahit tgisang uniform yung kambal sa sunod naman na sahod ay yung panganay ko. Tapos sa sunod naman sapatos at mga bags nila. Dapat sa panahon ngayon dapat may extra income ka…
Magandang gabi po guys Ang lamig ng gabi ngayon grabe po yung lakas ng ulan kanina pati po kidlat at kulog. Umalis kasi kami kanina ni bes nagenroll kami sa school ng aming mga anak tapos ayom nga naabotan kami ng ulan sa daan. Ako ay na stranded sa isnag tindahan sa labasan sa sobrang takot kung umuwi ay nagpatila ako ng ulan doon kahit na may payong na man ako. Sobrag nagkatruma kasi ako sa kidlat kaya ayon po paguwi ko sobrang nginig ako hangang sa nakatulog ako ito…
Ito na nga ba ang sinasabi ko Nakakatakot tlga ngayon ang kidlat talagang may tinatamaan siya. Malayo yan sa amin pero part parin ng bicol ngayomg araw ngyari. Kawawa naman yung mga baboy mabuti nalang wala daw na taong nasaktan. Malaki na pati yung baboy sayanh lang.. hindi ka talaga bubuhayij kapag tinamaan ka.
Andito ako ngayon kay bes at tinext akong grabe daw yung kanyang nararamdaman at nagpapakuha sa akin ng dahon ng anonang. Kwawa naman kaya dinalhan ko agad siya tapos nilawayan din ng kapatid ko at baka nabalis niya daw nong nakaraan na nagkita sila eh gutom na gutom yung kapatid ko. Sana maging ok na si bes hindi ako sanay na nagkakasakit siya...
Kumusta po kayo, pagkagaling ko kaina kila bes ay deretso palit akong damit at deretso sa palengke dahil payday ngayon need mag grocery wala ng stock yung akinng pantry kuno hehehe. Kadarating ko lang at dahil alam kong tanghali na mkakauwi ay bumili muna ako ng pagkakabalahan nila habang nagaantay maluto yung aking niluluto.. Kawawa yung mga bata kasi gutom n gutom na pag dating ko asikaso ko agad sila pinaliguan at linis ng bahay..
Magandang gabi sainyo.. Ito po ang aming mga alaga ay malalaki na ilang weeks na din sila. Nakakakita na.kaya alam na ang pagkain. Yung tirang gatas ng mga anak ko ay binigay ko sa kanila kasi sayang naman nako takaw takaw lalo na yung kay bes hehe...
Nagutom ang mga chickiting alanganing oras na kaya nagluto nalang akong homi para tumahimik na sila. Hindi pa kasi ako din inaantok nakatulog kasi kaninang hapon. Tapos may gngwa din sa cp kong isa yung lang may mga hindi pa ako nababalik kasi nakalimotan pasword.. yung sa shareit ako nahirapan eh..
Maagang almusal pp maaga po nagutom dahil kagabi ay konti lang nakain ko. Bumili nang akon spaghetti mabuti at merong nag titinda sa labasan. Nanghihina katawan ko now gawa kaninang madaling araw binangongot ako ang tagal nong pangyayari hindi ko namlayan maliwanag na nong naging ok nakagalaw na ko. Kaya ito bumangon na para magkaron ng sigla epekto ng dna siguro nkakapag walking at workout..
Kape po tayo sa gabtong oras tanghaling tapat ako ay nag crave sa kape ang aga ako nagalmusal kasi kanina kaya ito magkape na lang muna habang kumakain. Idaan nalang sa pagkain ang lahat hehehe stress free ka pa..tara po kain tayo...
Binigyan kami ng kaptibahay kanina ng tanim nilang dragon fruit at firstime ng mga bata makatikim nito. Super excited na mabuksan eh kaya ayan hiniwa nalang ni mama hati hati kasi isa lang ang binigay makatikim man daw yung mga bta... Nakakaantok na hapon po ito kaingay Idlipan muna natin po para mmya may lakas ulit sa mga gawaing bahay.
Super late meryenda po tayo ngayon. Now lang nagutom naubosan kasi nong dala ni bes na bananacue kanina medyo sumigla din anv pakiramdam ko ngayon. Nakapaglinis na din ako ng bahay sa wakas hehe pati sa bakuran ay malinis na ngayon. Biglang sinipag si inday bka bukas or sa linggo nalang ako mag lalaba medyo madami nanaman ang aking labahan may laman pa yung washing kasi. Kumusta naman kayo po kaingay....
Katatapos lang namin po mag dinner, ito po kain kropek muna ang ingay sa kabilang bahay kasi nanonood sila ng cardo dalisay "ang probinsyano" magwawakas kasi ngayon byernes. Salamat naman at magwawakas na mapapalitan na din ng darna bagong kagigiliwan ng mga bata ano po.. kayo din ba ay adik sa probinsyano?
Di makatulog sa gabi sa kaiisip hehe char lang po... Hindi tlga pa ko makatulog nakaidlip kasi ko ulit kaninang hapon eh. Ito tuloy nagaantay sakanya ah este antokin at para makatulog na. Kayo ba kaingay ay nasa higaan na din po ba? Baka maya2x ay antokin nako goodnight na sainyo po..
Magandang umaga kaingu kagigisinv lang Ito magluluto ng champorado ito gusto ng anak ko.. Madali lang siya lutuin tas lalagyan mo nalang ng asukal or gatas para perfect yung lasa diba. Kayo po ba nagalmusal na? Medyo antok p ako ngayon nabitin sa tulog knina hehe anong oras na kasi ko nakatulog kagabi.
Lalayas muna kami ng aking kambal pupunta kami kila bes. Tatambay munakami don tapos pupunta kami sa patahian ng uniform. Para ready na din sa pasukan nila para sa face to face. Ayan excited ang kambal na umalis iniwan namin si kuya kasi ayaw niya sumama mas gusto niyanh mag cp lang...
Andito kami sa patahian na imabot kami ng ulan. Dmuna kami umuwi kasi may kulog at kidlat mamaya uuwi na kami kapag tumila na ang ulan. Gabi na pala kaingy...kumusta po kayo jan
Maulang umaga po sainyo.. Nagising ako sa ingay ng bubungan namin dahil sa ulan. At ang sakit po ng aking ulo ngayon need kong mag bonnet para hindi gaanong sumakit. Kumusta tulog niyo? Ang lamig ng panahon.. Naglaba pa naman ako kahapon ngayon tuloy ay umulan. Sana tumila din mamaya at uminit.
Nadisgraysa ako habang nagiigib kanina nabitawan ko yung timba yung kamay ko nakatama sa pader ayan gasgas siya. Ang hapdi kapag binabasa, katatapos lang ng aking gawain ngayon po niligo kona din ang aking bigat n nararamdaman baka sakaling mawala lang din lalo na yung sa aking ulo. Symdex ko naubos kona at bka sisiponin lang ako kaya nasakit ulo at ilong ko. Kumain na ba kayo kaingay? Tanghali na po wag kalilimutan ang pagkain bawal magkasakit hindi po ba...
Magandang hapon guys.. Share ko lang itong food trip namin ng mga bata doon kila bes. Namisko tuloy yung turon,ukoy at kwek kwek na ang laman ay hotdog hehe pero masarap siya tgpipiso lang ang isa. Nagutom tuloy ako ngayon natamad akong bumangon at magluto. Kumusta namn po kayo jan kaingay.. Kumusta ang panahon sainyo? Dito po ay malamig sa amin according sa pagasa ay talagang mag tataglamig na daw. At every hapon ay maulan dito sa amin, yong announcer ngayon sa radyo ay ang…
"Manok ni Osang" Isang sikat dito sa amin na bilihan ng fried chicken 40pesos ang isa malalaki din nman siya kaya sulit yung iyong 40pesos 30pesos ata yung wings nila. Pwerteng siram daw ibig sabihin ay masarap na masarap. Pero para sa akin parang same lang nong mga chicken na nabibili sa palengke. Pero kahit ano pang lasa yan auy kapag gutom kana dmona mapapansin yan kaya tara po kain na tayo bago lumamig ang pgkain..
Maagang morning po kaingay... Maaga akong bumangon ngayon dahil may schedule kami ng walking ni bes. Sana ay magising siya ng maaga para maaga din kami makaalis. Natamad na kasi ako kapag tanghali na or yung may araw na. Kaso mukhang tulog na tulog pa siya hahaha. Kumusta po tulog niyo? Ako ok naman my konting kirot pa s ulo bka sa lamig ito.. Mag ccr muna ako para ready na mamaya...
Maulan yung lakad namin kanina ni bes kadarating ko lang galing palengke makulimlim parin ang kalangitan tumila na din naman ang ulan. Kumusta panahon po sainyo? Tanghali nnaman po ito nanaman ang obligasyon ng mga nany ang mag luto ng pananghalian ng mga bata.
Ang aga ngayon nakatulog ng mga bata... Maaga ksi nagsing kaninang umaga ayan po akala ko naglalaro pa sila tulog na po pala. Ako naman ay inaantok ngayon kaso binabantayan ko ang panahon at baka umulan nilabas ko kasi yung ibang sinampay ko... Idlip muna tayo kaingay masarap matukog pag gantong makulimlim.. Hirapan ako magupload ng pic ang hina ng signal ng Dito ko... Walang pangload sa globe eh hehehe sana mamya makapag post na with pic.
"Cheesestick" Gumawa po ako ngayon ng cheesestick para may meryenda bukas mga bata. Pero dahil sa nakikita nila akong gumagawa kinukulit nila akong magluto na. Ayan nagprito akong konti lang para matigil hehehe sarap na sarap gusto pa umulit sabi ko bukas naman.. Naghapunan na po ba kayo? Ako ito po iniinit kona lang yung ulam namin kaninang tanghali. Pagkatapos ay kakain na din para maaga makapag pahinga..
Magandang morning po kaingay.. Nagalmusal na po ba kayo? Ngluto akong scrambled eggs para palaman sa tinapy ng mga bata. Almusal muna po tayo guys...
Nakauwi na din sila bes salamat sa pagbisita po. Ito pala yung gnwa kong snacks kanina dynamite super anghang daw sabi ni bes hhaha at kinulang lang talaga sa wrapper siya kaya ayan mukhang lutay lutay na siya.. Kumusta naman ang inyong maghapon ngayon kaingay.. Kami ay kain tulog cp lang ginwa natuwa kami kanina ni bes sa shoppe hahha ngayon lang kasi nakalikot ang shoppe dami din palng magagandang offers..lalo na sa load..
Happy 1month old sa aming baby timothy naghanda ng pansit ang kanyang papa kanina. At ang batang maliit ay sarap parin ang tulog niya sarap ng kain ng mga bata sa pizza at pansit yan na hapunan namin.. Antok nko gusy bukas nalang po tayo ulit magkwentohan at kulitan... Goodnight everyone,.🙏🙏🙏
Nagising sa isang panaginip pero nakalimutan ko yubg detalye basta yung pinsan ko daw na babae ay ang ingay niya don ako nagsing sa tawa at ingay niya hahaha. Anyways may walking sched sana kami now ni bes planado na kagabi hahaha Kaso yun nga lang pangit daw pnginip niya kaya hindi nanman tuloy kasi bka may masama daw mangyari..
Akala ko hindi mtutuloy yung walking namin ni bes kanina kasi bad yung dreams niya. Pero ginawa namin ay tinuloy namin at duman kaming simbahan para masubak daw yung panaginip na masama. Sana madaan sa dalangin po si papa jesus lang ang nkakaalam ng lahat. Pahinga muna tayo kaingay ...
Papunta kami ngayon sa manghihilot dahil biglang nagkaron ng sinat ang kambal ko. Ito ang mahirap sa sitwasyon ko kapag sabay sabay silang nagkakasakit kahit nga yung kuya nila may sinat dkona sinama muna sila nalang muna. Kung pwd lang sa akin nalang lahat ng nararamdaman nila eh para ako lang yung nahihirapan...
Wala ako magawa kanina itong aming mga alaga ang aking pinagkakaabalahan. Kinutohan ko sila at nong malinas na ay nilipat ko sa dating kulangan ng kanilang mama at tita labby nong maliit pa ito. Kya nagamit pa nila medyo sira na nga eh pero oks lang kaysa ibalik sila don sa dati nilang tinutulogan eh nagkaka kuto sila kasi madumi.. Ayan sarap na ng tulog kasi dina sila kinakati ilang araw kong pag tyqtyagaan ang kuto nila at mawala na para mapaliguan kona din sila siguro pwd…
Akala ko ok na siya kanina nong mahilot biglang naglaro kasi nabinat siguro..siya lang ang may mataas na lagnt yung dalawa medyo ok na pero may sipon pa naubos n din yung aking gamot na stock bili nalang siguro ko bukas... Mabuti naman at nakatulog na siya hira kapag may saakit ang bta panay iyak and hindi mapakali dahil hindi siya mkahinga. Buti at nakatulog na makakaidlip na din ako mamaya ay gigisingin ko para mkainom ulit gamot at mabasa ko ulit yung bimbo pra bumama ba…
Malamig na gabi po sainyong lahat. Siguro saiba ay mainit pero pakiramdam ko now ay napakalamig. Ngayon lang ako nkapag post yung sakit ng ulo,at kamay ko kanina ay nagsabay sabay. Ngayon nga ay humiga na agad ako, hindi rin ako nakaattend ng orientation at brigada ng panganay ko.. Sana bukas ay ok na pakiramdam ko dahil yung kambal ang may orientation at brigada naman kahit isa sa kanila ay ma attendan ko. Parang ako lang ata ang hindi excited sa darating na fiesta dito sa…
Orientation ng kinder ko ngayon Deretso bihis ako dahil nagising ako 7am pasado na tapos start daw ay 7:30 am pero iyan tingnan niyo po at 8am na hindi pa nman ng sisimula. Nakakatawa pong moment para sa akin dahil firstime magara ng kambal tapos yung teacher nila ay mag kaiba hindi sila pinagsama sa isang kwarto. Ngyon may attendance kahapon alam kona kung sino sa kanila ang teacher nila nong mag attendance ako now sa kinder ay nagkabliktad yung name ng mga anak ko kya sa…
Andito poko ngayon sa room ng anak ko nag brigada ako lng magisa kc dapat khapon pero prang wlang nangyari ang taas ng mga damo nakakatakot pa nmn ksi solo ako dito..
Busying busy sila sa fiesta dito sa amin ay busy ang papa ko sa pagluluto nong kinatay na aso. Nakakaawa kasi alaga ng mama ko yun tapos pintay at yan gagawin nilang pulutan. Bakit kaya ang mga tao ay laging naghahanda tuwaing fiesta kahit na wala na ngang pera. Yung ibang tao uutang pa sila para may panghanda para hindi mapahiya sa mga bisita. Yung iba nman ay grabe maghanda sa inoman yung akala mo ay bday niya maglalasing hangang umaga kinabukasan halos dna makabangon.…
Morning everyone kaggising ko lng po parang ayoko namang bumangon ngayon naantok pako. Kaso ingay na sa labas nagluluto na sila fiesta na dito kasi sa amin. Kumusta nman po ang tulog niyo? Ako ayos lang kaso may pnaginip ako ang wierd nga lang. Binigyan daw kaming pusa napakaganda pero yung pusa daw na giging tao siya. pag umaga pusa siya pag gabi na nagiging bata. Ang pogi pa naman nong bata karga karga ko. Tapos tinetex ko daw si bes na may pusa kami pero nagiging tao.…
Ayan po sila busyng busy na sa pagluluto, mabuti naman at hindi ako mapapagod ngayon dahil may katulong si papa sa pgluluto andto tito ko. Mapapasabak ako nito mamya sa hugasan yun nalang ggawin ko mamaya. May mga naluto ndin sila kaya makikain na tayo hahaha kasi gutom n din me katatapos ko lang din mgbanlaw at mgsampay. Di pa nga lang tapos mga damit ko lang inuna ko. Wala na kasinh sampayan na occupied n lahat nila mama.
Kainan na po happy fiesta dito sa amin brgy san lorenzo. Andito na yung mga kaptid ng mama ko yung kapatid ng papa ko dko alam kong pupunta siguro yung mga lalaki lang. Kahapon pa talaga ako super tamad buti nga at nakapag washing ako kagabi ngayon kahit ang daming pagkain masasarap naman pero prang dko malunok ang nararamdaman ko ngayon parang gusto ko lang matulog na matulog. Inaaya ako ng mga tita ko magkantahan kami nako tlgang tinangihan ko sila wala tlgang gana iidlip…
Kumusta po kayo malapit na palang gumabi. Maghapon lang akong nakahiga po tinago ko na itong si lory at baka makuha ng mga manginginom. Nattypepan kasi nila lagot ako nito ky bes hahaha Nakakatkot lumabas ngayon dahil madami ng lasing sa daan. Bigla na kong nagutom prang ubos na ata yung mga ulam..
Magandang umaga ng linggo kaingay..kumusta ang gising niyo? Ako ayos naman at maayos naman yung tulog maaga nagising po at maaga din ako nakapag banlaw at sampay. Yun nga lang makulimlim ngayon pero sinampay ko pa rin sa labas d pa naman tapos ang araw kaya baka mamaya ay uminit diba. Almusal na tayo po..pansit for long life hehe
Kadarating lamg po galing palengke, umalis kami knina ni bes namiling school supplies ng mga bata para bukas. Sobrang kapos ng dalakong pera hindi ko nabili yung ibang gamit nila hays.. Idlip muna poko kaingay medyo napagod sa gala ngayon. Mamaya nalang po ko kyo balikan...
Sarap naman ng tulog ng aking furbaby na ito ako dapat yung matutulog eh pero lumapit siya at tumabi hindi kona napigilan hindi siya harotin. Pero mamya ay tumahimik na at yun pala tukog na hehe ang cute lng nakakawalang pgod at stress na din kapag gnto ka cute naman tlaga eh.
Super antok na ako kanina pero biglang nag crave ako ng jampong kay niluto ko. Tulog na din mga bata medyo hirap ako now makatulog nag goodnight nko kanina kasi antok na kso ito biglang nawala tlga antok ko. Gusto ko n nga sanang matulog eh para dna mgisip ng kung ano2x. Ubosin ko lang ito at babalik na sa pagtulog maaga pa kasi bukas...
Maulang umaga po sainyong lahat. First day of school ng aking kambal kaso maulan at mahangin dito sa amin. Sana naman mmaya pag pasok nila ay hindi na para makapasok sila ng maayos. Nagpprepare nako almusal nila at mainit na tubig panligo mamaya ay gigisingin kona excited na silang mag school kagabi tagal nila makatulog dahil super excited. Kayo din ba mga mommies firstday na din ba now ng inyong mga anak?
Hindi natin talaga maisip ang bilis talaga ng panahon at ito yung dating ako yung nagaaral dito sa school na ito. Ngayon ay mga anak kona nakkatuwa lang silang pagmasdan dahil nasanay kang nasa bahay lng sila naglalaro. Firstday of school ngayon ng kambal super excited sila sana lang walang may umiyak sa kanila.
Kumusta po mghapon niyo kaingay? Dito sa amin po maghapon po masama ang panahon buti nga lang kaninang tanghali ay nkauwi agad kami biglang buhos malakas na ulan kasi. Hangang hapon yung ulan po kaya ito nakakatamad kumilos eh Katatapos ko lang maglinis now ko lang naorasan dahil napagod kanina. Kayo ba jan kaingay kumusta lalo na yung mga nag first day of class kanina. ??
Ang lamig ngayon dito sa amin nalate na ko ng gising hindi ko alam kong may pasok kasi kahapon nag suspende ng klase dahil sa lakas ng ulan at hngin. Sinisipon ako ngyon iinom nalang ako ng gamot mmaya. Sainyo po ba maayos lang ba ang panahon? Hindi mn lng nagtex mga teachers nila ngayoj kong may pasok o wala.
We missyou so much lory.. hindi ako sanay na tatlo na lang yungtuta dito ss amin hehe. Kinuha na kasi ni bes yung sakanya din, si lory panman ang pinaka matakaw,pinakamakulit,pinakamatabasa kanilang apat. Ngyong umaga hinahanap ko pasiya kasi pakakaininko kaso andon napala siya kila bes hehe.. Alam ko naman aalagan siyang mabuti doon kaya kahit gusto ko sanaay sa september paibigay kaso excited na din sila kaya ayon po pinadala ko na kahapon hehe.. ito yung last picture niya…
Ito po dahil suspended ang klase ngayong araw tuturuan ko nalang ang pangany ko sa math. Dahil sa friday ang kanyang assessment for grade2 kaso dahil nagsuspende bka sa lunes n siya niyan maassess. Bumalik ako sa uno pagtuturo sa numbrs kasi puro laro eh kaya ito tutukan ko na mtuto siya.
Wala akong maisip na maipost ngayon kaingay.. Blanko ang aking isipan.. sobrang tamlay ko maghapon gawa ng panahon siguro nakakadala. Kumusta naman ang inyong maghapon sana ayos lang kayo walang masamang nangyari or karamdaman sa buhay... 6pm na pala time nnman para magluto ng pgkain para sa dinner ng mga bata. Gusto kona sanang magpahinga kaso ito magaasikaso pa sa kanila.
Ang aga namin ngyon sa school kasi itong kambal ko ay super excited lging pumasok. Sana hangang end ng school year ay ganun sila lagi hehe walang pahiralan sa pagpasok. 3hours din akong magaantay sa kanila dito hindi pa pwding iwanan kasi at bka hanapin ako umiyak..
Nakakaawa naman itong magkapatid na ito kanina. Siguro grade2 or grade 3 yung babaeng bata tapos yubg batang lalaki ay kinder. Grabe yung iyak niya hindi man lang hinatid mona ng magulang pti yung kpatid na babae ay uniiyak na din kasi nagwawal na yung kapatid niya. Dapat kasi hindi muna iniiwan yung gantong nasanay sa bahay yung bata. Parqng natruma tuloy yung batang lalaki sa pagpasok sa school.
Nagutom po ako kaingay napagod sa ginawa ngayon. Nagpaligo ng aking alagang aso tas nagkuto din sa mga tuta kasi hinahawakan ng mga bta need matangalan ng mga kuto. Ito po kakain ako kanin nagutom hehe mabuti my tira pang gulay eh. Kumusta naman ang mghapon niyo kaingay ayos lang ba?
Maaga pong magppahinga dahil maaga nanaman tayo bukas. Hindi nanaman ako makapagupload ng pic ngayon basta gantong orasang hina ng Dito sim. Yun kasi ang murang load kya pinagtyagaan ko po pero kpag nasa labas naman ay malakas nman ang signal lalo na doon sa palengke or school. Goodnight na po sainyo...
Mgaandang umaga po maganda ang sikat ng araw ngayon. Namimis kona yung pag walking namin ni bes kaso wala na kasi nag start na yung klase super busy na kami sa mga bata wala ng panahon para makapag walking. Maganda sana maglaba ngayon kaso masama pakiramdam ko ito kumikilos lang dahil maghhanap ng pagkain ng mga bata. Yung pinipilit mo nman maging masigla araw2x kaso natatalo ka kapag d sumasangayon yung iyong nararamdaman.
Magandang tanghali po naglunch na ba kayo nabusy poako ngayong araw. Itong mga tuta namin ay firstime nilang maligo kanina kasabay na tinanggalan kong kuto apaka dami kasi kapag pinabayaan na hindi kutohan sa isang araw. Ang linis na nila at mabango na konti nalang ang kanilang kuto baka mamaya ay tangalan ko ulit sila pahinga muna.. Tapos na din sila kumain magastos nga lang sa gatas hehe kawawa nman kasi yung nanay nila parang wala ng laman yung dede kaya need nila ng…
Kapag naiiwan ko ang cp ko ng saglit laging merong bagong pic yung isa kong anak na akala mo ay dalaga na hehe ang hilig niya sa selfie. Magandang hapon po kumusta maghapon niyo kaingay? Ako ito po nakaupo at higa lng maghapon jehe wala din kaisng magawa bukas paniguraadong busy kasi ako kaya hinahanda ko lang sarili ko.. Kaso habang nagrerelax naman ako yung mga togtog sa radyo kanina ay nakakalungkot or nakakamis hehe kaya bigla tuloy akong nalungkot..
Magandang gabi po maaga ako nagluto para maaga makapahinga. Sabi ng anak ko egg nnaman hehe sabi ko oo kasi yun lang muna kapag may pera yung fried Chicken namn na paborito nila. Tarapo po kaingay kain na tayo..
Ptulog na sana pero naalimpungtan ako sa iyak nila hehe kawawa nman kaya tinimplahan ko muna ng gatas. Baka sakaling gutom at tumigil sa pag iyak. Tyagaan lang din sa pagaalaga ng gantong tuta pa parang baby din sila kasi pero kapag pwd ng kumain ng solid foods ay hindi na yan ganyan na gutomin may oras nalang yung pagpkain sa kanila.. Pagkatapos nito ay go back to sleep nako maaga pa for tomorrow.
Good morning po ginisjng ng mga tuta ang kambal hehe buti si kuya tulog pa pnghapon kasi. Ang kulit daw nila hinihila daaw yung buhok kaya nagising sila hehe magaasikso nako po bibili almusal ng mga bata.
Tambay mode ulit dito sa school nahatid kona sa kanya kanyang room ang kambal. Bakit ksi hindi nalang pinagsabay eh nahihirapan ako hehe.. Masasanay din ako nito sa una lang mahirap tlga kpag nasanay na ay kayang kaya na ang lahat..
Super busy ngayong araw na ito hindi namin kasi inexpect n ngayon magbibigay ng mga gamit, school supplies para sa mga bata. Mabuti at pumasok kmi ngayong araw swerte namn at lahat ng anak ko ay nabigyan. Yubg grade2 nga lang ay walang bag kinder at grade1 lang ang binibgayan. Sobrang pgod poako ngayon parang gusto ko nalang humiga agad paguwi namin. Nasa school pako firstday ngayon ng panganay ko..
Dahil payday naman ni inday ngayon ay ito bumili ako ng backbone at masarap magtenola ngayong tag ulan. Tas may sayote din sakto na ito sa aming magiina bka may tira pa ito bukas.. Kayo ba mga mommies may ulam na? Tapos sinasabayan ko din mag washing dahil baka bukas ay brownout tapos tambak na talaga labahan ko gawa nong laging wala sa bhay.
Snacktime po tayo napagod ako sa pagbomba knina inagahan ko pagbanlaw ng mga labahin ko.. ktatapos k0 lang mgsampay.. magegeneral cleaning na din ng bahay dahil mga wiwi ng dogs ay nagkalat sa bahay naubos din pampunas ko.. Kain mun tayo kaingay para may lakas hehe.
Jan muna ang mga puppies sa kulungan nila kukulit eh hehe para masanay n din sa kulungan...Maingay nga lang sila jan naiyak hehe palalabasin ko mmya..
Magandang gabi na po padilim na kasi eh kauuwi ko lang galing galaan kasama ko si bes. Bumili kmi ng ibang school supplies ng mga bata na kulang pa. Tapos pinuntahan namin yung mananahi bka may nabuo ng uniform pero wala pa pala. Firstime naming mag walking na tanghaling tapat kanina hehe.. pero masaya naman tawa lng kami ng taw sa daan. May nadaanan kming street fooda at yan nilibre ako ni bea ng kikiam. Tapos sabi ko ako na bahala sa panulak namin. Pero dahil buong town ay…
Magandang umaga po ngayong ng linggo maaga ako po gumising dahil nag asikaso ng mga aso nilabas ko na muna sila ulit tas nilinisan kulungan nila. Pagkatapos nagsampay ng mga sinampay ko ang dami puno lahat hehe kaya sana uminit maghapon. Kya nong magutom ito po magaalmusal na po.. maganda mataapos ka ng maaga para maaga kadin makapag hayahay hehehe..tara kain po tayo..
Dahil tapos kona din naman ang aking mga gawain sila nman ang aking pagkakaabalahan hehe. Ang kukulit eh panay iyak don sa kulungan nila kaya pinlaya ko muna para kutohan sila... Konti nalng naman tyagaan lang tlga..
Grabing tupiin ko mga sis.. hehe kinuha kona siya at tuyo na at bka biglang bumuhos ang ulan ay nako mabasa pa. Kaya ito po simulan kona muna magtupi katatapos ko lang din maglinis ng bhay habang tulog ang mga babies...
Sa wakas ay natapos din ang aking gawain sa maghapon sakit nga lang ng aking likod grabe na ang kirot. Nagmukhang sala na ang aking sala yung lumang rug nila mama ay hiningi ko kasi d niya na ginahamit. Dahil sa butas butas na pinili ko nalang yung maayos pa kaya ayan meron ng rug yung sahig namin medyo naging bahay naman tingnan hehe. Tsyaga tyaga muna sa pwding ercycle pa. Sa wakas din at maganda yung panahon maghapon lahat ng sinampy ko kanina ay ntuyo at natupi ko na din…
Magandang umaga kaingay maganda ulit ang panahon ngayon dito sa amin. Inagahan ko ulit yung mga banlawan kong mga kumot nakapaglinis na din sa labas and nkaigib ng tubig habang may tulo pa yung gripo. Dumaan yung nagtitinda ng kakanin ito binili ko almusal ng mga bata binotong mahilig kasi sila sa kakanin hehe tara po almusal tayo..
Nagutom agad mga bata kaya nagpalutosilang cheesestick ginwa ko kahapon. Ayan po ang kanilang kotkotin ngayon, rest day ko din kahit papaano bantay moments ngpanahon at nasa labas ang aming higaan mga unan at sympre yung mga samit at kumot na nakasampay...
Habang ako ay nagpapahinga ay may isang tuta na makulithehehe busy pa naman ako mag cp kasi kattapos lng kumain at ng mga gawain nagbabantay ng panahon sana uminit maghapon hehe. Yan ngppansin siya hinihila niya buhok ko nginangatngat kya pinangigilan ko naman tlga ang name pala niyan ay chuchay hehe kasi mama niyasi chuchi..anyways naglunch na ba kayo? Lunch na po sa mga hindi pa kumakain jan.
Mgandang hapon po sainyo pilipinas late na ang aming meryenda abay tinapos ko muna kasi ang aking mga gawaing mabuti at natuyo naman lahat ng aking sinampy kanina. Nagluto ulit akong cheesestick last na yan kasi konti lang nagawa ko.. meryenda muna tayo mag gagabi nanaman ganun nalang lagi ang buhay natin paulit ulit lang gawain sa bhay wala ng ME TIME eh hehe
Magandang umaga sainyo kaingay maaga gumisjng para magluto ng almusal kakainin ng aking studyante ngayon. Yung kambal palang ang may pasok yung grade1 and grade2 kasi sa Wednesday pa. Kayo ba mga mommies nag pprepare na din ba yung mga may studyante jan?
Dito na kmi sa school ilang oras n nanaman akong bagot dito enextend pa oras nila dating 10am ngayon 10:30am na uwian ng kambal.. D kasi pwding umuwi malayo bahay namin sayang lang pamasahe. Nagppiwan na din sana sila.kaso yun nga sayang din kung uuwi pako.. gutom na nga din eh kasi pag umaga wala din kong gana pang kumain.. kayo ba jan ano pinagkakaabalahan?
Meron sana ngayon kaming homeroom pta meeting parang hindi ako mkakapunta dahil inataki ako ng sakot ng ullo kaninang tanghali. Baka umataki ulit dko kayanin..may migraine na siguro ako sobrang init kasi kanina nong umuwi kami galing school and pabalik balik ako sa room ng kambal. Nong paguwi namin dko na maintndhan sarili ko. Ano kya meryenda ngayon hapon na nanaman pala..
Nagmadali parin akong makaattend sa school ng anak ko kahit late na. At sa wakas nong pagdating ko ay tapos na yung election hehe yun talaga ang pinakaayoko kaag may homeroom ayoko kasi ng obligsyon lalo pat tatlo na silang pumpasok. Pwd nman akong tumulong kapag kaya pero yung maging officers pa ng klase ay dko na kaya yun hehehe nakaligtas ako sa grade2 yung kinder pa ang wala pang pameeting..
Wednesday Good morning everyone maaga sila nagising nong pagbangon ko bangon na din sila at talagang excited sa.school lahat na sila ngayon papasok sa school. Kaya super busy ulit ako nito maghapon dahil ang panganay ko eh umaga at hapon pasok niya
First day of school now ng panganay kp.. super excited sila kanina. Ito tamang antay sa kanila sa paglabas yung kinder 10:30am,11:40am naman yung si kuya. Tagal ng tinatambay ko sa school pero ok lang dahil tipid na din sa pamasahe,pakatapos dito paguwian deretso kmi sa san ramon feista ngayon don kmi manananghalian..
Tamang tambay muna kami nila bes dito sa covered court ng school at inaantay pa nmin lumabas si kuya. Para sabay sabay na din kaming umuwi at makatipid na sa pamasahe diba. Ang kukulit nga lang nila eh kaya ayan pinagcp nmin para hindi sila magtakbo ng magtakbo eh.
Malamig na umaga sa inyong lahat bangon nanman ulit tayo para sa ating mga studyante. Ito magluluto akong champorado para sa almusal nila ero mbuti ngayon at yung kuya lang ng may pasok yung kambal ay wala dahil may meeting ang mga parents. Kumusta ang tulog niyo? Sa akin ay napakahabang panaginip na akala ko ay totoo at dnako maggising buti nalang at nag alarm cp ko ayun nagising ako ang himbing pala ng aking tulog..
Andito na kmi sa school kaso sarado pa ang classroom ng anak ko. Tagal ng teacher niya inagahan pa naman nmin para mkapili kming upuan na nasa unahan kasi kahapon sa likod siya parang hindi nakikinig eh.. Anong oras kaya darating yung teacher para mkaupo na ang bata.