Magandang hapon po noisefam? Kumusta na po kayo ngaun lang ulit nkapagnoise ulit.. pabalik balik lang kasi lagnat ko.. Meryenda na po ba kayo? Kain po muna tayo...
@WondergirlwriterOnNoiseApp in October 2021
Magandang umaga po sainyong lahat.. Ito maaga ako nagising kasi sobrang hilab ng tyan ko apat na araw ba naman na walang kain tubig at konting kain lang.. ito po kape po tayo pait parin ng aking panlasa.. sobrang bigat parin kasi ng ktawan at dibdib ko dahil sa ubo..
Gandang tanghali po sa lahat.. Katatapos ko lng kumain medyo nkain nman ng konti pero hindi pa kaya ubusin..pero parang gusto ko ng ice drop malamig na tubig,manga, grapes hehealam ko bwal pako sa malamig pero natatakam talag ko.. tska chichirya.. Kumain na po ba kayo jan tanghali na po.. sana mamaya magok na pakiramdam ko...
Magandang gabi po Kakatapos lang magluto ng papa ko ng ulam pritong isda at kusido na isda din..yung sinasamahan na kalamansi ..kumain na po ba kayo?
Good morning po It's Sunday it's labada day grabe ntambakan na talaga ako ng labhan dahil sa pagkakasakit ko... Kagabi grabe yung kulog at kidlat parang ang baba lang ng tinamaan sobrang lakas halos buong katawan ko nayanig nkatulog na pti ako non. Makulimlim dito sa amin ngayon.. mukhang d ako mkakapatuyo ng nilabhan walang init
Good evening po.. Kumusta na po kayo? Ngayon lang ulit nkapag noise dahil kanina pahinga lang talaga ako para gumaling na.. pinagpawisan nman ako ng grabe kanina kaso andon arin yung bigat sa dibdib nahihirapan parin akong huminga wala parin gna kumain.. hays hangang kilan kaya matatapos ito...
Good morning po Grabeng ulan kgbi dto sa amin ito nga baha ngayon sa bakuran nmin wala p nmn kming drenaige kya nkatambak lang siya sa gitna.. almusal na po ba kayo noisefam? Wla parin akong maipost na maganda dto ky noise dahil sa hindi pa ok nararmdaman ko..
Good evening everyone Gabi nnman at ito nanaman ataki ng sobrang lamig sakit ulo.. halos pabalik balik lng ginwa nman nanamin ang lahat ano kya ang hindi pa mgugustuhan ng ktwan ko at ayaw pkong layasan ng sakit n ito... Mg1week na ksi kong ganto..mis kona alagaan ang mga mahal ko sa buhay..mis kona din kumain ng madami..
Mgndang umaga po Akala ko cp kona my deperensya kc d gumagana messenger ko.. tlga palang may deperensiya ang system nila...sana maayos parin
Good morning po.. Agang aga inaataki na naman ako ng ubo grbe kilan nalang kaya ito aalis sa akin.. tapos konting kain ko lang naskit na ang tyan ko...kumusta po kayo asenxa n po d gaanong active dto sa noise bawi nalang poko kapag magaling na talaga ako..
Good evening po.. Andto mga tita ko hinilot ako at kung ano2x na herbal ang nilagay sa akin para gumaling nako dahil mag dadalawang linggo na tlaga ang aking sakit na ito...kumusta po kayo?
Magandang gabi po.. Awa ng diyos at yung temperature ko na nasa 39.4 lagi ngayon 37.6 nalang po.. sana tuloy tuloy na ito hindi na ako lagnatin ulit dahil ang hirap na po ng sitwasyon ko halos 2weeks nakomg my sakit panay higa ubo, sakit ngnktawan ,nwalan din ng panlasa ako kya wala akong gana kumain kahit na anong pagkain.. thanks god at bumubuti buti narin ang aking kalgayan..
Makulimlim na umaga sainyo lahat.. ingat po sa lahat ng papasok sa trabho at school magdala lagi ng payong. Bawal tlga mag kasakit ngaun kawawa yung mga mahal na tin kpag magkasakit tayo.. Sana din tlga tuluyan nakong gumaling kahit paulit ulit akong magpray d ako magsasawa in Jesus name🙏🙏🙏
Magandang gabi po.. Ulam nmin ngayon gabi sari sari talong,lumpia at yung tira karne kanina po ngayon prinito para malasa..medyo madami na din ang aking nakakain kanina medyo nasakit lang ang tyan ko eh...kumain na po ba kayo?
Magandang umaga po.. Sa wakas po mkakaligo na din po ako.. at ito po ang aking ipampapaligo para daw d mabinat..parang nong bago akong manganak ganto din gnwa sa akin... Ligong ligo na tlga din ako ngayon guys.. halos 2weeks din na walang ligo.. bye muna po..mga dahon dahon po yan..
Good evening po noisefam Naghapunan na po ba kayo? Kami po katatapos lang din po telapyang paksiw po ulam namin... Kain na din po kayo...
Good morning po.. Bagong kalaro ng mga anak ko si max hehehe Nkapacute niyan chubby chubby.. Npakakulimlim dito sa lugar nmin ngayon mahirap gumala kasi mahirap magkasakit.. Nagalmusal na po ba kayo?
Gabi na pala napahaba ng oras ko sa pagtulog. At ang sarap ng panaginip ko nasa isang kainan daw ako ang daming tao, mga prutas ayoko dw ng mga putahe gusto ko lng daw yung mlalaking mangga napakatapmis daw lahat... Akala ko nman totoo ginising nako ng papa ko...
Good evening po Maaga po ako magpapahinga na ngayon medyo sumama ulit pakiramdam ko.. Bka mabinat pako kpag d pako nagpahinga ng maaga.. Bukas nalang po noisefam. Goodnight po...
Magandang umaga po Hindi parin nag papakita ditonsa amin si haring araw... Hindi man lang mkapagbilad bilad ng likod... Kumusta po ang ang araw niyo ang monday? Module time nanaman po ngyon diba
Gabi nanaman po pala.. Ang hangin sa labas.. Mapresko sana maglakad lakad kaso mahina pa ng konti..kumustabpo kayo,kumusta maghapon niyo? Ako ito po nsa loob lng ng baahay.. Sobrang naa boboring n po ko sa buhay ko hindi ko na alam gagawin ko pinipilit ko nman maging ok e..
Magandang umaga po... Kilan na lang kaya ako gigising sa umaga na walang bigat na nararamdaman yung mgaan lang sa katawaan sa isip at ulo ko yung walang stress. Gigising ka kasi masaya ka, inlove ka kaylan kaaya uli yun mangyayari... Gusto ko uling gumising isang araw na puno ng pgasa sa buhay kahit naghihirap ay inspired laging mabuhay.. Kilan kaya mangyayari yun.. Alam ko nman na anjan sila lagi sa akin pero ako yungbmay deperensya kya dko magawa mga gusto ko dahil…
Maulang gabi po sainyong lahat.. Ano po ba ulam natin ngayong gabi?? Madlim nanaman sa labas ang bilis2x lang ng araw.. Salamat sa bes ko na laging adnto para sa akin... Kanina pa hindi natigil ang ulan nagtulo na ung bubong nmin nabasa yung aming higaan basa tuloy kainis...
Mgandang gabi po bumili lng kmi ng lutong ulam.. Ang sarap po ng dinuguan madami akong nkain ngayon..kumain na po ba kayo? Tara po kain muna po tayo... Wag pababayaan ang sarili lagi dapat kumakain sa tamang oras..
Magndang umaga po.. Magaalmusal palang po ako.. Nagligpit kasi ng konting mga kalat sa bahay lalo n mga laruan inayos ko..pkatapos nahihilo parin ako kya ito pahinga at tamang higop ng sotanghon hehe..tara po kain tayo..
May dumaang taho sa amin for the firstime hehe Looban kasi kami kaya d natatagpuan ng magtataho Tuwang tuwa mga bata pati na din ako heheh paborito ko kasi ang taho lalo na kapag mainit pa.. hehe
Hindi ako makatulog guys.. Naubos kona palabas sa youtube hindi parin ako dalawin ng antok.. gusto ko na matulog para may energy na bukas hehe ayaw nman akong patulugin ngayon.. Sobrang excited lang ba ko para bukas kaya hindi makatulog hehe..
Magandang gabi po... Sobrang nabusy kanina kaya ngayon lang ulit nkapag noise.. kumusta po kayo? Ako ito unti unting gumagaling na konting hilo na lang ang nararamdaman ko pero ok na po ako.. ayoko ng magkasakait kya talagang magtatake na lagi ako ng vitamins para iwas lagi sa sakit..
Time checked its only 12:27am Nagising ako sa strange feeling na ito.. nagugutom ako hahha walang makain meron lulutuin kaso nkakatamad nman bumangon para magluto.. naubos na stock ko na mga kotkotin hahhaa kya ito tamang imagine at balik na lang sa pag tulog ulit...
Goodnight na po sainyong lahat.. Maraming salamat sa lahat na sumusuporta sa akin araw2x walang hanggang pasasaamat po sainyo... Bukas nman po ulit.. matutulog na po ako ng maaga para maaga bukas magising...lagi nalang kasi akong late magising sa umaga..sge po goodnight po ulit..
Good morning everyone Kagigising ko lang po.. At ang ganda ng aking panaginip kaso nagising ako sayang nman.. Meron daw akong napulot na aso ang gandang aso para siyang husky tapos para daw siyang tao nakakaintindi siya kapag kinakausap mo.. sunod daw siya ng sunod sa akin pauwi ng bahay ko kaya kinarga ko at inuwi sa amin...Pagdating ko daw sa bahay pinagbless ko kila mama nag bless naman siya.. tuwang tuwa ako kasi para siyang may isip kaso nagising ako bgla..hays…
Nagalmusal na po ba kayo.. Nangininginig ngayon katawan ko.. nagwalis kasi ako sa bakuran kanina grabe hindi pa kaya ng katawan ko ang mga gawaing bahay.. nagttype ako now ng ipopost sobrang nginig ng mga daliri ko... Kain nalang po tayo..
Dahan dahan sabi db matatapos din ang gawaing bahay.. Ito kattaapos ko lang ng mga kaya kong gawin.. Naglinis ng cr nagluto at nagpaligo ng mga bata.. Ang ganda ng araw ngayon ang ganda ng sikat ng araw kaso d pa ako makapaglaba dahil kalalaba ko lang nong nkaraan buti andto bestfriend ko nong time na yun dahil tinulungan niya ko sa labahin ko.. Sobrang blessed at thankful talaga ako dahil anjan siya lagi sa oras na kailangan ko... @amazingnoise mis na kita bes...kilan ulit…
Magandang hapon po.. Meryenda po tayo, turon sa halagangng 5pesos at camoteque 10pesos sulit na ang meryenda ngayong hapon...
Ngayon ko lang napansin ang bagong update.. Siguro para maiwasan na din ang ingitan mas maigi na yun.. Kaso hindi lang natin malalaman kung may value ba ung post natin tama ba malalaman lang natin sa wallet natin don natin makikita kung nabbgyan pa tayo ng noise.cash..
Magabdang umaga po.. Maaga ako nagising ngayon, nagluto ng almusal ng mga bata pansit canton at tinapay.. Tara po almusal muna tayo bago ang lahat..
Magandang hapon po.. Kumusta po kayo.. Meryenda po tayo...
Gabi nanaman po pala noisefam.. Ano po ulam ninyo? Kami yung tira nalang na ulam kaninang tanghali owd na yun makaraos lang din ngayong gabi.. Medyo naantok na ako guys.. Kaso nagiinit pa ng pagkain at magpapakain pa sa mga bata.. Namis ko yung red bell notif. At yung malaman mo kungbmay value ba ang post mo...
Sarap po ng ulam namin ngayon hehhee.. Bumili papa ko ng inihaw na manok sa andoks.. Sarap parin niya walang tatalo hehe.. Kumusta po kumain na po ba kayo?? Tara po kain na tayo...
Hays kakapagod kadarating ko lang po galing sa school kumuha at nagbalik ng modules ng anak ko... Ito pagdating luto ng ulam paksiw na telapya na mis ko magpaksiw... Kayo po ano ulam natin jan..
Magandang hapon po... Late na po ang meryenda namin.. Instant spaghetti muna tayo ngayon hehe.. Masarap nman siya nagsawa na sila sa pancit canton kasi...tara meryenda po tayo..
Atsara.. Isa sa masarap na pampalasa, sawsawan ang atsara.. The best sa tuyo or daing... Masarap itong iulam or sawsawan.. Kayo po paborito niyo din ba ang atsara.. Or marunong din kayo gumawa nito.. Nabili lang namin sa palengke sa halangang 10pesos yung isang balot...masarap naman siya..
Kain na po tayo..ulam namin yung kaninang paksiw sa telpaya at itong atsara.. Mukhang mapapadami ang kain ko nito.. Medyo bumabalik na gana ko sa pagkain.. Yung hingal na lang at nginig ng katawan at kamay ang gusto kon mawala para mkagalaw na ulit ako ng maayos.. Siguro ganto na kapag nag edad kang 30 madami k ng nararamdaman na kakaiba sa katawan mo..
Goodnight guys.. Kilangan matukog ng maaga para may lakas bukas.. Kayo din guys bawasan ang pagpupuyat sa gabi.. Kasi nkakasakit yun.. Baka humina ang immunity niyo mahirap kapag nagkasakit lalo na kung ikaw lang ang gagawa ng mga gawaing bahay.. Sge guys tulog na tayo magpray bago matulog po..good night
Magandang umaga po sainyo.. Nalate ako gumising ngayon..8am na pala pero antok na antok parin ako kapag talaga iniinom ko yung ascorbic acid ay tuloy tuloy yung tulog ko at nagigising akong late.. Hehe ok lang kasi maayos naman ang tulog ko kaso kapag may pupuntahan ako sguro d muna ako iinom kasi panigurado late ako lagi hehe.. Kumusta po kayo,kumusta gising niyo?
Pizza in the house hehe Bagong sahod mama ko at naisipan niya daw bumili ng pizza kahit ako nong isang araw pa gusto bumili kaso lagi namang sarado binibilhan namin ng pizza yung mura lang nman kasi hehe.. Tara po kuha kayo snacks tayo..
Tortang puso ng saging Natry niyo na bang magluto ng ganito guys.. Nakakasawa kasi yung may gata.. Kaya yan ang niluto now ng papa ko mas kinakain ng mga bata.. Kayo po ano ulam niyo.. Tara sabayan niyo na kaming kumain.. Gutom na me hehe
Module time muna kami ngayon ng anak ko.. Ayaw matulog eh.. Namis ko din siyang turuan dahil sa aking pagkakasakit.. Medyo madami ang gawain nila ngayon kaya need ng double time may mga reading session na din siya dahil grade1 na...
Naptime muna tayo guys.. Tapis na magaaral ang mga chickiting napagod na sila at yan matutulig na daw hehe.. Antok din ang mommy tapos makulimlim at malamig pa panahon perfect matulog kapag ganitong panahon..
Kain na po tayo.. Maaga kami mag didinner ngayon para makapag pahinga agad kami.. Kumusta po kuamin na po ba kayo?
Mag goodnight na po ako noisefam. Bukas naman po siguro.. Medyo sumasakit nanaman ulo ko kapag nakababad sa cellphone.. And gusto ko na din magpahinga tlaga.. Sna bukas ay ok na ang lahat ayoko ng ganitong pakiramdam.. Sge po goodnight guys..
Maulang umaga sainyong lahat.. Wla nanaman tigil ang ulan dito sa amin magdamag ng umuulan yan.. Ingat nalang sa papasok sa work madulas ang daan wag kalimutan ang payong or kapote... Nasa higaan pako medyo masakit pa ang aking ulo..
Magandang tanghali po noisefam.. Tanghali na po kain na din po kayo jan.. Ito ulam namin fish at maasim na sabaw..sarap humigop po ngayong tagulan.. Tara kain po muna tayo..
Naptime ulit tayo guys... Malamig kasi dito sa amin ngayon masarap lang humiga at matulog..patutulogin ko muna iting mga chickiting mamaya na kami magmomodule..
Bigla akong naalimpungatan dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.. Bumangon nalang ako dahil baka sa pagkakahiga ko.. Pero hindi hindi nman ako , wag nmana sana na mabinat ulit.. Dahil tadtad na ng gamot ang katawan ko hindi pa nkakarecover nong pagkakasakit ko nong nkaraan.. Inoman konalang ulit ngayon ng paracetsmol para maalis na sakit ng ulo..
Pasaway na panahon ito naginit kung kilan hapon na.. Bakit kaya may times na ang lungkot natin.. Yung parang lahat ng problema ay dala dala natin.. Minsan ganun ako sobrang lungkot yung mga times na masasaya nalang naalala ko lagi.. Gingwa ko hahanap ako ng mga videos na masasayahan ako yun nalang pang alis ng aking kalungkotan...
Module time muna kami now ni kuya... Habang sinisipag ang bata magaral... Para sa mga susunod na araw ay konti na lang ang gagawin namin...
Maaga kami ulit nkapag dinner ngayon.. Kaya ito maaaga din makakapagpahinga.. Malamig na gabi sainyong lahat.. Nkapagdinner na po ba kayong lahat..? Kumusta ang buong maghapon niyo?
Good morning po.. Pictureran ko daw siya kasi maganda daw siya ngayon hehehe.. Kumusta po kayo.. Ang aking baby ay parang ang bilis lamg lumaki.. Bka pagising ko isang araw dalaga na siya..
Sa wakas nagpakita din si haring araw.. Maisasampay ko na din yung nilabhan pa nong nakaraan.. Sana matuyo na ngayon para mkapag tupi na at bujas makapaglaba ulit...
Ang ganda na ng panahon kanina ngayong biglang buhos ung ulan yung mga sinampay ko muntikan ng mabasa hehe.. Kumusta po kayo..makulimlim nanaman dito sa amin.. Jan din po ba sainyo??
Kauwi ko lang galing kaming cementeryo ni papa nagcanvass kami para sa lapida ng mga lolo at lola ko.. Grabe ang mahal pala nong granite yung kulay itim pero ang sosyal niya tingnan yun ang napupusuan ng tita ko kaso hindi pa siya nkaka pag decide kung ano gusto niya...
Goodnight guys.. Maaga ako magpapahinga at matutulog now at sana makatulog ng maaga talaga ako.. Kasi maaga ako gigising bukas madami akong gagawin nakaantay sakin mga banlawin ko gusto ko bago sumikat ang araw ay may isasampay nako sa labas.. Tapos magluluto pakatapos ay pupunta sa school dahil bukas ang sulian ng modules..npaaga hehe..cge goodnight na po noisefam bukas ko naman ulit kayo pusuan..
Magandang umaga po.. Medyo sumisikat na ang araw ngayon dito sa amin at sana ay sumikat na siya para mailabas ko yung mga sinampay ko ngayon.. Ktattapos ko lang magbanlaw.. Mamaya mga 7am magluluto ng almusal...
Nagluto akong macaroni soup... Tara po mag meryenda po tayo masarap kapag mainit pa ang sabaw ..ano meryenda niyo guys...
Nag dinner na po ba kayo? Kami katatapos lang hindi na napictureran yung pagkain gutom na daw mga bata hehehe.. Umulan na naman ngayon gabi buti naman para sa umaga uminit panahon.. Dami ko tupiin iisa isahin ko muna ito para matapos nako at mkapagpahinga ulit ng maaga...
Nagising ako sa lakas ng ulan tumtulo sa may ulohan ko pasaway basang basa mga unan ko dahil sa tulo... Yari lang kasi sa anahaw ang aming bubungan butas na kaya natulo kpag malakas talaga ang ulan.. Cge guys tulog na po ulit ako dahil malalim pa ang gabi...
Good morning po.. Kaggising lang at antok na antok parin po ako.. Nagising kasing alanganin kanina.. Naulan parin po sa amin hangang ngayon buti nlang nakapaglaba ako kahapon... Kumusta tulog niyo? Lamig dito sa amin..masakit sa ulo...
Magandang Tanghali po.. Nagluto papa ko ng sinigang sa baboy at dinalhan kami dito.. hindi na kasi ako nagluto ngayon hindi makalaba dahil naulan kasi.. hirap luamabas kapag umuulan dito sa amin... Kain po tayo tamang tama kasi malamig panahon
Katatapos lang po mag dinner kumusta kayo noisefriends, ang lamig ngayong gabi talagang ramdam na ang papalaput na pasko... Excited nako manood ng mmk ipapalabas yung buhay nila team tarah hehe sa mga hindi kilala sila try niyo panoorin din po mamaya na po..
Malamig na umaga ngayong linggo po... Nagising ako sa lamig ng panahon.. Nararamdaman n tlagang papalapit n ang pasko... Kumusta po kayo, kumusta tulog niyo? Medyo antok pko ngayon idlip pko konti tapos bangon n mmaya...
Gabi nanaman po pala ang bilis2x lang ng araw... Malapit na ang undas, dito sa amin ay hangang oct.29 lang ang paglilinis at pagbibisita sa puntod ng mga namayapang kapamilya... Sainyo po ganun din po ba? Baka bukas ay malinisan at mapinturahan na yong puntod ng mga lolo at lola namin..
Kumain na po ba kayo?? Sino nakain ng pipino.. Sarap siya ipartner sa pritong isda.. Paborito ito ng mga anak ko kahit pinapapak ay gustong gusto nila kahit ako paborito ko din ito hehehe. Tara po kain po tayo..
Magandang umaga nakakatapos ko lang maglaba ng mga kumot, ito mga bata nag request ng champorado. Ngayon ko lang din nakita yung notif. Ni noise about sa task, sayang hindi ko magawa kasi dko makita yung "next button" baka hindi pwd sa cp gawin ang task..
Ang galing naman nakuha kona din ung $2 now salamat sa nagturo sa akin..hehehe Thank you noisecash team for this awesome platform. Guys download kayo po ng firefox na browser kasi sa ibang browser ayaw niya. Pero sa firefox gumgana po..try niyo sayang din ng 2dollar hehehe..
Medyo late na kami sa tanghàlian.. Buti nlang dinalhan ako ni bes ng paborito kong dinuguan hehehe..tara po kain tayo.
3 pm na nanaman pala hapon na pero itong mga bata na ito ayaw parin matulog, panay parin ang laro... Naambonan ako kanina kaya ang bigat ng ulo ko ngayon.. hindi nman ako naantok kaya hindi makatulog.. masarap lang humiga ngayong malamig ang panahon.. kayo po ano meryenda niyo jan kumusta maghapon niyo po?
Early dinner po guys.. Maaga ako nakaluto ng ulam kaya ito po kain na agad heheh ulam namin dko alam name ng isda lapad siya masarap malasa tamang tama sa prito. Masarap may sawsawan na toyo mansi.. tara po kain na tayo.. Para mkapagpahinga ng maaga
Magandang gabi po.. Ulam namin for tonight fried chicken heheh Maghapon busy kaya ngaun lang nakapag noise Nasa mga bata ang cp ko ngayon ko lang nahawakan.. Kumusta po kayo ano ulam niyo po? Kumain na po ba kayo?
Good night na po.. Maaga po kasi bukas maglilinis at dadalaw na din sa cementeryo.. medyo antok na din po kasi.. bukas nalang po ulit.. maraming salamat sa walang sawang nag heheart sa akin..godbless you all po..
Mgandang umaga po. Sobrang busy po ngayong araw, Galing ako kanina cementeryo, para mgasindi na din ng kandila sa mga lolo at lola ko.. Buti nalang at tumila ang ulan. Hanngang 29 lang kasi ang pag bisita sa mga puntod kya buti ng maaga..
Lunch time.. Nagluto ako ngayon na tenola para may sabaw naman na mahigop ang mga bata... At tamang tama sa malamig na panahon.. kumusta kayo kumain na din po ba? Tara sabayan niyo na kami kain na po tayo..
Magandang hapon po.. Kauwi ko lang po may importante na pinuntahan lang .. Ito nkauwi na at nagutom kain po tayong lugaw at lumpia... Sarap siya..
Nagkakasundo ngayon ang mga bata. Tahimik silang naglalaro.. Ayaw png magsikain ksi busog pa daw sila... Kumusta po kayo mghapon guys...
Bicol express ang aming ulam ngayon. May tira pa kasing adobo kaya bumili ako ng idadagdag hehe.maangahang at konting alat din.. Tara po kain tayo.
Overtime kami ngayon sa module niya Sa friday kasi ang sulian nito kaya ito hindi pa nman siya inaantok mabuti na ito kisa panay takbo at laro.. Mukhang mamaya pa ako makakatulog nakaidlip kasi ako kanina.
Good morning aga ko nagising ngayon.. At umuulan nanaman wala ng tigil ang ulan. Hindi nako makapatuyo ng mga sinampay ko.. Medyo antok pako kaya iidlipan ko muna ulit. Maya malang po.
Dahil maaga naigising maaga din nkapagluto ng agahan. Sinangag at pansit po pinagsabay kona sa plato hehehe, sino po dito ang mahilig iulam ang pansit sa kanin. Masarap naman siyang iulam diba?
Nakakainis ang panahon dito sa amin.. naglaba ako nong nakaraang araw pa pero hangang ngayon basa parin sila dahil ang panhon namin nkakabaliw, iinit siya ng bongga mamaya e uulan, tas iinit ulit.ulan ulit..sino ang hindi maiinis niyan kaya ayan kahit uminjit ka ngayon dkonna tlga ilalabas..titiisin kita hahaha
Snack po tayo.. nakalimutan kong ibigay sa kanila kahapon ito tapos nakita ng bunso kong anak ayan kanya kanya na silang kuha hindi mo na mataguan ng pagkain eh hehe.. Ano ulam niyo po guys..
Nap time muna kmi... May isang bata nakong npatulog dalawa nalang ngsyon. Ang kulit pa kung ano2x pa pinaggagawa nila... Ang bata kc need patulugin sa hapon para mapahinga din ang katawan at naniniwala akong mbilis ang kanilang paglaki.
Nagluto ako kanina ng macaroni soup. Nong maluto kona nakalimutan konang pictureran Deretso kainan na heheh nsarapan mga bata Ang dami nilang nakain may tira pa naman mamaya Pwd na ding pangulam yun hehehe.paborito ng bestfriend ko ang macaroni soup kaso wala siya hehe.. Gabj nanaman pala guys maya maya tutulog nanaman tayo bilis ng araw eh.. ilang months nalang pasko na
Batang makukulit pinaglalaruan c muningning heheje..
Naku po super energetic pa sila ngaun. Ako naman naantok na pero dko sila pwd tulugan Baka matulogan ko din kasi yung tv,kaya ganto ako gabi gabi naantay kong makatulog muna sila. Mamaya niyan mamapagod na hihingi na dede tas matutulog na din..nood muna ko tv libang muna para hindi antokin hehe.
Thank you so much po @memesforlife.. Super bait niyo po.. godbless you always.. Goodnight everyone..
Good morning noisefam It's friday at panay parin ang ulan. Ngayon ang sulian ng module namin kaya need pumuntang school mamaya. Tulog pa mga bata 10 na nakatulog kagabi.. Ano po almusal niyo jan? Ang lamig ng panahon hirap maligo ng maaga hehe..
Snack time guys Kadarating lang galing school kumuha at nagbalik ng module.. nkakapagod buti nalang may natira pang pagkain kaninang umaga.. tara po kain tayo..
Tulogan time.. Mga bata ay gising pa ako ang inaantok eh .. Mamaya nito ako yung mkkatulog yung pinatutulog ko gising na gising pa.. makulimlim parin dito sa amin, masarap lang humiga at magmuni muni... Tulog muna tayo guys...
Ang bilis naman ngnoras mag ggabi nanaman. At konting ulan lang dito sa amin ayan baha na agad. Kumusta maghapon niyo po, kami kain tulog lng po ginawa namin maghapon hehe...
Magandang gabi po sainyong lahat. Chicken po para sa ulam namin ngayon 13pesos lang po ito hehe tinamad na mag luto ng ulam sobrang nkakatamad kasi ngayon naulan at malamig panahon kya kpag ganto eh masarap yung nkahiga lang kaya bumili n lang ulam sa labas.
Magandang umaga noisefam Late nanaman akong nagising kaya itong instant sphagheti nalang ang aking niluto ngayon para sa agahan. Mukhang gaganda na ang sikat ng araw ngayon sana lang para matuyo na lahat ng sampay ko.. tapos dami na ulit na labahan hehehe
Sa wakas gumanda na ang panahon dito sa amin at matutuyo na talaga ang aking mga sampay.. para mkapaglaba ulit ng bago.. Kumusta po kayo yung weather niyo jan sainyo kumusta din po? Malapit ng magtanghalian ano ulam niyo po? Nagsangag lang ako ng bahaw na kanin tas egg ulam hehe..
Gala mode kmi ngayon ng kapatid ko.. Naisipan namin tumingin tingin ng cp sa legazpi isang oras byahe mula dito sa amin. Maya muna guys enjoy ko muna itong gala namin heheh with my lil brother naiwan mga bata sa lolo at lola nila hehehe
Kumuzta po kayo kauuwi lang namin natraffic kasi kaya ginabi na bumili nalang kami ng lutong ulam.. Kain na din tayo po..
Magandang umaga po.. Kaggising ko lang at medyo naantok pa.. Yung kamay ko kanina halos dko mhawakan ang cp sa sobrng manhid at sakit... Kumusta guys tulog niyo .? Ako hindi gaanobg ok kasi putol2x.. Tapos panagininp ko ang gulo pa.. Blessed Su day guys...
Almusal tayo po.. Dinuguan tau ngayon sa umaga hehehe Maganda ang panahon namin ngayon... Mainit kaso naglalaba mama ko ngayon d makapagwashing hehe
Magandang tanghali po.. Nagluto papa ko ng sinigang kanina nabigyan kami hehe tara po kain tayo.. init ng panahon dito sa aming pero masarap humigop ng sabaw..
Good evening po.. Maaga kami ngayon kkain.. ito napabili ng ulam na chicken tinamad ulit magluto.. kayo guys ano po ulam niyo? Kumusta maghapon niyo ngayon.?
Watching kmjs. Gabi ng lagim.. nong bata ako takot na takot ako lalo na yung ky nole de castro noon yung magandang gabi bayan talagang nkakakilabot hehe pero now na malaki kna paramg dkna tlga matatakot hehehe Enjoy nalang sa panonood po.. Happy Halloween din
Magandang umaga po Happy monday to everyone... Kumusta tulog at gising niyo? Kagigising ko lng din at antok pa sana hehe