read.cash Log in
@Wennalyn more from that month

"Panaginip"

Ako si Ciara Aizelle Natividad isang babaeng nagtataka sa nangyayari tuwing ako'y matutulog at gigising dahil bawat detalye ng panaginip ko ay naalala ko at nangyayari na paggising ko. Simula pagkabata ko wala ang mga magulang ko dahil busy sila sa business namin tanging ang kuya ko lang at ang mga kaibigan ang lagi kong kasama pero kahit ganon hindi kami naggalit at nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Tuwing matutulog ako madami akong nakikitang lugar at nasasaksihang pangyayari na nagkakatotoo pag gising ko. Tulad na lang ng nakita ko sa panaginip ko na uuwi ang mga magulang ko at pag gising ko umuwi nga sila kaso saglit lang at nakakapagtaka lang kasi hindi ko nakakalimutan ang mga panaginip ko di'ba ang ibang tao hindi nila maalala ang mga panaginip nila bakit ako naalala ko at nagkakatotoo na paggising ko? *"Cia gising na mag almusal ka na nag handa sila manang ng paborito mo"* wika ni kuya sabay sara ng pinto ng kwarto ko. Pag ka alis ni kuya bumangon na ako at naghilamos para makakain na ng almusal, ganto parati ang mga pangyayari tuwing umaga gigisingin ako ni kuya bago siya pumasok sa trabaho. *"Good morning po manang Inda!"* bati ko kay manang na naghahanda ng hapag. " *Kain ka na hija nagmamadaling umalis ang kuya mo malalate na daw siya sa trabaho eh."* Saad naman ni manang habang naglalagay ng tubig sa baso. " *Manang Inda maupo na din ho,kayo ate ysa, kuya herman, mika halika na po kayo sabayan nyo na ako"* tawag ko sa mga kasambahay namin kahit kelan hindi namin tinuring na iba ni kuya ang mga kasambahay dahil simula bata kami si manang Inda na ang nag alaga sa'min ni kuya at si kuya herman naman ang kanyang pamangkin ang driver ko papuntang school at si ate ysa at mika naman ay mga anak ni manang Inda. "*Ah ate madami pa ho kaming gagawain kumain ho kayo ng madami"* saad ni mika mas bata sya sa akin ng tatlong taon. " *Alam nyong ako'y mag tatampo pag hindi ninyo ako sinabayan pag kain at hindi ba kayo naawa sa akin ako lang mag isa dito oh"* paawa kong saad. *"Sige na nga Cia ikaw talagang bata ka kami'y katulong mo dito hindi marapat na palagi mo kaming isabay pagkain"* sabi naman ni manang Inda ng makaupo na sila. *"Eh manang Inda ilang beses ko din ho bang sasabihin na kayo'y aking pamilya narin hindi na ho kayo iba sa akin at ano naman hong masama doon eh gusto ko ho kayong kasabay pag kain?* Natatawang saad ko. *"Ikaw talagang bata ka napakamakatwiran mo sige na tayo'y kumain na"* saad naman ni Manang Inda. *"Ay may nakalimutan kayo Manang?"* Tanong ko nagtaka naman ang itsura nya at biglang naliwanagan. *"Magdasal muna Ikaw talagang bata ka alam mo ng makakalimutin na ako"* natatawang saad ni manang pagkatapos ay nagdasal na. Pag ka tapos namin kumain ay inihatid na ako ni kuya Herman sa school at binilin na alas singko na ako ng hapon sunduin dahil may group activity kami sa bahay ng kaklase ko. *"Oh Ciara Aizelle nandito ka na pala kanina ka pa namin hinihintay e!"*bungad sakin ng best friend kong si Kierra Antonnete Olivarez. *"Erra ako'y kinakabahan pag buong pangalan ko ang binabanggit mo."* Natatawang sabi ko *"Namiss kasi kita e."* Saad naman nya tyka tumawa ng malakas rinig na rinig sa buong classroom. *"Kierra Antonnete magkasama lang tayo kahapon."*sabi ko naman *"Anyway Cia nabalitaan mo bang may bagong teacher tayo?*" Tanong nya "*Huh? Hinde? Bakit kelan pa pero parang may napanaginipan nga akong may bagong dating na teacher pero sa panaginip ko nakita ko lang sya sa malayo lalaki ba siya?*" Nagtatakang tanong ko "*Oo friend yummy nya e!*" Tili naman netong impakta kong kaibigan na mahilig sa pogi. "Ah"sabi ko lang dahil hindi naman ako interesado "*Good morning class ako na ang magiging teacher nyo ngayon sa history*" nagulat kami parehas ni Erra nang may magsalita sa harap kala namin estudyante din kasi parang kaedad namin. "*I am Akihiro Mendez pero pwede nyo akong tawaging Sir Hiro"* patuloy nya habang nakangiti sa amin. *" Nakakaattract yung smile nya bessy!"* Kinikilig na saad ni Erra napalingon lang ako sa kanya at binalik ang tingin sa bagong teacher namin imperness gwapo siya at cute ng smile. Natapos ang last period namin at dumeretso kami ni Erra sa canteen kasi nandito daw yung crush nya at sinabi nya din kina Maycee at Aiko na dito na dumeretso, sila yung dalawa pa naming bestfriend kaso ibang section ang sila kami ni Erra ay pilot section. *"Omg guys kilala nyo ba si Sir Hiro yung bahong teacher sa History?* Sya daw yung pumalit kay Ma'am tessy." Pagbibida naman ni Maycee. *"Oo teacher din namin"* ako na ang sumagot dahil si Erra ay busy sa pag tingin sa crush nyang kasection nila Aiko. "*Pogi nya noh? Para din syang high school student pero sabi 21 years old na daw si sir"* sabi naman ni Maycee *"Kayo talaga tigilan nyo yan wag nyo pangarapin si Sir baka may girlfriend nayan lagot kayo"* natatawang saad ko "*At galing din sa source ko na hindi pa nag kaka gf si sir"* nakangiting sabi ni Maycee "*Weh talaga?"* Biglang lingon ni Erra na kala namin hindi nakikinig sa usapan namin. *"Ito talaga pag nakakarinig ng ano kala mo mababali ang leeg sa paglingon"* pambulyaw ni Aiko *"Oo daw hindi pa daw nagkaka gf si Sir kasi busy nya sa pagtatravel balita ko nalibot nya na daw ang buong Pilipinas at out of the country naman daw"* namamanghang saad uli ni Maycee. "*Weh? Buong Pilipinas talaga Maycee? Fake news ka e hindi naman siguro buong Pilipinas*" natatawang pang iintriga ko "Epal ka talaga ciabelss HAHAHAH" naiirita ako sa ciabelss tuwing tatawagin nya ako ng ganon sarap suntukin neto. Pagkatapos namin mag usap umuwi na din agad ako kasi tutulungan ko sila Manang Inda magluto gustong gusto ko matutong magluto. Pasensya napo kung may mga mali bago lang po ako gumawa ng ganito sana po magustuhan nyo ,may kasunod pa po ito Salamat po!!😚

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.