BATA
Pabili po, ng kalayaang maglaronang hindi natatakot;pabili po,ng edukasyong natututoat hindi lang basta pumapasa;pabili po,ng gamot na kayang maabotng tulad naming abâ;pabili po,ng ayudang buoat hindi kinupitan ng nasa taas;pabili po,ng sagot kung ano baang naghihintay sa'ming bukas.Gusto kong bumiling oras at atensyon,upang mapakingganhangad ko't intensyon.Kaso, bata pa po ako,wala pa raw alam sa takbo ng mundo. Ang sabi sa kanta:Hayaan mong maglaro ang bata sa arawKapag umulan nama'y magtatampisawMahirap man o may kayaMaputi, kayumanggiAt kahit ano mang uri ka paSa 'yo ang mundo 'pag bata ka.Sa amin ang mundo kapag bata pa.Ang tanong ko lang po,saan ba makabibili ng mundongtinutukoy ng kanta?—PABILI PO, 2021PS: Lahat ng ideya'y hindi ko naririnig sa mga bata, dahil nga sila' y bata pa. Pero, mapagpatotoo ang mga kilos. Mula sa aking mga obserbayon sa mga batang nakahahalubilo sa aming lugar, ganito ang gusto nilang. #JustNewHere
No comments yet