Nakakita na kayo niyan? Dati ang akala ko sobrang bakal lang yan sa mga construction tapos puputulin nalang pagtapos, pero may specific purpose pala siya. Diko alam kung anong tamang term o tawag sa mga ganyang nakausling bakal pero ginagawa daw pala yan para dun sa mga may balak pang ipaextend pataas yung bahay or building nila which is ngayon ko lang narealize na tama at practical naman. Kasi kung wala yang mga nakaabang na bakal, kakailanganin pang bakbakin or tibagin ulit yung ibang part ng bahay or gusali para lang hanapin kung san pwedeng idugtong yung mga bakal na gagamitin para sa pag-aannex ng bahay or building. Magandang mga kaingay ^^
No comments yet