read.cash Log in
@Wanderer18 more from that month

Ang mga Pamahiin ay mga paniniwala ng mga matatanda na madalas ay walang batayan at hindi maipaliwanag kung bakit kinakailangang sundin. Malaki ang nagagawang impluwensya ng mga pamahiin sa ating kultura. Ito ay nakakaapekto sa ating kaligayahan, kalungkutan, kabiguan, at tagumpay sa buhay. Ayon sa matatanda, ang hindi pagsunod sa mga pamahiin ay magdudulot ng kamalasan sa buhay ng tao. Mula pa noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay sinusunod na ito. Maging sa makabagong henerasyon, lalo na yung mga nakatira sa mga malalayong lugar o probinsya ay isinasabuhay pa rin ang mga pamahiing ito.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.