Hi everyone i would like to share my experience here sa PCOS ko. ☺
Way back 2014 (Highschool time) Grabi sobrang payat ko nasa 41 kls lang ako okay pa mens ko nun kasi buwan buwan pa peru pa unti unti nasa 1 day or 2 days lang peru di ko lang din pinansin kasi every month din naman ako dinadatnan so okay lang sakin yun atleast meron. Peru nung nag start na 2015 i think nasa july 2015 yun dun na nagsimula na sumasakit puson ko peru di ko lang din pinapansin kasi akala ko lang natural lang yun kasi dinadatnan parin din naman ako di ko nalang din sinasabi sa parents ko mga nararamdam ko. Hanggang dumating ang 2016 dito nako nakakaramdam ng sakit na kung aataki sya ay panghihinaan ka talaga nag start na ring di maging normal dugo ko yung di na ako buwan buwan dinadatnan (Di naman ako nagulat kasi di naman ako buntis) So go parin hanggang sa tumaas timbang ko peru happy ako kasi medjo tumaba na ako peru di ko alam na ito pala dahilan hanggang umabot na sa ilang buwan palaki ng palaki timbang ko from 42 kls to 52 kls ang laki ng tinaas ko sa ilang buwan lang i think mga 3 months peru di ko lang din pinansin. 😥 Hanggang umaabot ang 2017 as in yang taon na yan isang buwan lang ako dinatnan(Baliwala parin) November lang ako dinatnan sa taong to. Hanggang 2018 once a year nalang din peru parang normal lang parin sakin kahit may nararamdam na ako peru dito naging 60kls na ako parang nag-aalala na ako sa weight ko hindi sa kalagayan ko yun lang peruuuuu 2019 dito na ako tumaba ng tumaba naging 67 na ako 😢 Peru dito nadin ako na taon nag pa check up kasi ganun parin dalaw ko once a year lang tapossss yun pumunta na ako ng OBgyne at nag pa check up na ako at nag pa ultrasound at dun nakita na marami na palang cyst ang dalawang ovary ko 😭 Kaya pala tumaba ako tumaba ng sobra 😢 Inadvice ng OB ko na mag exercise at mag diet ako peru di ko kaya ininom ko lang ni recita nyang gamot naging effective din naman kaso nawala din lang naman dalaw ko. Hanggang nitong 2020 ay mas lalo akong bumigat nasa 75 kls na ako. 😭 Saka di pa ako magaling sa pcos ko peru thankful na din dahil nitong taon ika dalawa na ako dinalaw sana mas madami pa nitong taon. 🙏 Sa mga may PCOS dyan or nakakadanas ng same sakin please lang wag nyo baliwalain para di kayo magsisi kasi nasa huli talaga ang pagsisi. Sa mga katulad kong may ganito KAYA NATIN TO malalagpasan din lahat ng ito at gagaling din tayo.
Ps: Nitong June 5 2020 nag start akong mag no rice at low carb na ako at kahapon nag timbang ako July 08 2020 ay 67kls nalang ako. Go ng Go parin from 75 to 67kls. ❤ Ginawa ko to para maibsan yung PCOs ko ☺