read.cash Log in
@Vanz23

Mensahe para sa anak sa langit

Ang araw na nalaman ko tungkol sayo Hindi ko alam kung ano aking gagawin Bumagsak,natakot at umiyak dahil alam kung hindi ko pa kaya Natulog ako at himawak sa iyo At napapagaan mo mo ang narararamdaman ko Tuwing gigising ako sa umaga Nagsasabi ng magandang umaga sa iyo😇 Kumakain ako at ng sa gayon maging malakas tayong dalawa Sa mga buwan pinapanatili kitang protektado Aking anak, na ako ay umiibig sa iyo Aking anak na babae/lalake ang aking hindi pa isinilang na pag-ibig Ikaw ay isang regalo na ipinapadala sa akin mula sa itaas. Nalaman ko ang pag-ibig na iba at iyon ang pag-ibig s apagitan ng isang anak at ina.❤ Anak, sa gabi ng trahedya ng aking buhay sumimiklab ang langit at lupa sa iyong pagkawala... Hindi ko man lng nasilayan ang iyong mga ngiyi sa iyong labi💋 At hanggang ngayon lumipas ang araw ,buwan ,at taon ang dumaan ako parin ay nasasaktan Umaasa na sana ika'y aking kasama pa.. Pero alam ko hindi na mangyayari dto sa mundong ibabaw.Antayin mo lang ba tayo ay magkakasama sa buhay na walang hanggan At sana ako ay iyong makilala na ako ay iyong Ina... MAHAL NA MAHAL KITA.... At namimiss kita araw2x ❤Mama,

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.