Nakulayan na ang drawing! Sa wakas natuloy na din yung matagal na naming pinaplano na magkita ulit ππ€. Although kulang pa talaga kami ng dalawa (due to acceptable reasons) eh sobrang nag-enjoy pa din kami. Sobrang tawanan and kwentuhan yung naging ganap namin kanina to the point na inabot na pala kami ng gabi hahahaha. Buti na nga lang at hindi traffic kaya nakauwi naman kami agad. Siguro na-miss lang talaga namin yung isa't isa lalo na at more than 2 years na kaming puro plano lang. Madami kasing 'di pinapayagan samin dati na lumabas dahil kasagsagan pa ng mataas na cases ng covid. Anyway, eto din pala yung first time ko na kumain sa Pepper Lunch and ang verdict is masarap siya. Hindi na need nung additional seasonings kasi malasa na agad and nakakabusog pa hahahaha. Dagdag na naman tuloy sa favorite food chains list.
No comments yet