Ako lang ba or parang nananapak yung lamig ng panahon? 🥶 Lately kasi halos di na kami gumagamit ng electric fan gawa ng malamig naman yung simoy ng hangin. Binubuksan na lang mga bintana para pumasok yung hangin sa loob, tipid pa sa kuryente. Pati nga yung tubig eh ramdam din yung lamig kaya minsan parang nakakatamad maligo hahahaha. Hindi na din tuloy nakapagtataka kung bakit bigla akong tinamaan ng ubo at sipon, hayss. Buti na lang at hindi naman ito malala kaya panay inom lang ng maligamgam na tubig.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet