Salamat shopee! So eto na nga mga ka noisemates. After so many months ng pagtitiis eh nabudol na ulit ako ni shopee na magcheck out hahaha. Pero ayun wala akong ginastos at all dito kasi eto yung nakuha ko sa promo nila na celebrity pamasko. Dagdag pa yung bonus na 70 pesos dahil sa recent na pag activate ko nung shopeepay. Kadalasan kasi COD talaga ako kasi baka hindi makarating or sa ibang address mapunta yung parcel (trust issues yarn?? hahahaha). Medyo nanghinayang lang ng konti kasi late ko na narealize na isang angpao per celebrity pala everyday yung pwede buksan for 12 days nun hahaha. Fault on my part naman yun kaya oks lang. Nevertheless masaya ako kasi nakalibre ako ng dagdag na materials para sa hobby kong crochet. Reward/gift ko na din sa sarili ko 'to kasi nasurvive ko yung final exams namin few days ago hehehe. Kayo mga kanoisemates, naranasan niyo na ba magbayad thru shopeepay sa shopee? Kamusta naman po yung experience?
No comments yet