House renovation. Usapang renovation muna tayo noisemates. Share ko lang kasi stressed na kami dun sa pinapagawa naming bahay. Puro aberya na kasi nangyayare tapos yung budget eh ubos na. Naisahan kasi kami nung kontraktor tapos dumadagdag pa yung mga trabahador. I mean okay, kailangan nila ng pera pero sana isipin din naman nila kami. Materyales pa nga lang mahal na tapos papatungan pa. Yung mga trabahador naman puro advance ng sweldo tapos makikita mo pinapang sugal lang 🤦♀️. Yung iba naman puro absent din. Yung initial estimate hindi na nasunod kasi "nagmahal" daw yung mga materyales. Sana maisip nila na hindi porke nagpapagawa ng bahay eh mayaman na. Napag ipunan lang talaga yun ng matagal na panahon. Imbes tuloy na matuwa kasi naipatayo na yung dream house eh panibagong ipon na naman para sa mga kulang, hayss. Pwedeng pwede naman talaga namin idaan sa legal kasi may napirmahan na kontrata kung nagkataon. Ang kaso lang eh ayaw ng magulang ko kasi kapitbahay/kakilala din namin yung engineer na nangontrata. Dahil tuloy don eh pinagsasabihan ko na bakit yun pa yung inisip kesa dun sa naging gastos. Anyway, napag kasunduan na lang daw nila na tapusin yung basics pero kami na yung bibili mismo ng materyales. Bale ang ganap eh within the week dapat nakabalik na daw kami dun. Sana lang talaga eh matapos na soon para sana sa pasko eh settled na yung mga gamit at makapag prepare na din ng pang handa. Hirap kasi pag ngayon na kami bibili kasi kami lang din mahihirapan pag maglilipat na ulit ng mga gamit.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet