read.cash Log in
V@Vanelei more from that month

Naka lemon water na ba ang lahat? Balita ko kasi madaming nagkakasakit ngayon kaya mukhang sikat na naman yung mga ganitong inumin. Simula kasi kagabi nangangati na yung lalamunan ko kaya inaagapan na ngayon ng mas madaming tubig. Hindi na bale yung madalas magpunta sa banyo basta madaming naiinom na tubig hahahaha. Sa ngayon umiinom naman ako nung warm na lemon water. Sabi kasi nila pang agap na din 'to sa ubo o sipon kaya hindi naman masamang subukan hehe. So far nasasanay na ako sa lasa at mukhang nakakatulong nga talaga mabawasan yung kati ng lalamunan ko. Sana lang talaga eh di na mapunta sa ubo kasi matic nasusundan ng sipon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.