read.cash Log in
V@Vanelei more from that month

Suhol Isang tatay na naman po ang pinayagan uminom HAHAHAHA. Nag-uwi kasi si papa kanina nung matagal ko nang gusto subukan sa tokyo tokyo. Ayun, pagka bungad sa pintuan eh sinabihan ko na agad si mama na wag magagalit kasi may suhol (pagkain) naman 😅 Kung sa bagay naman kasi mas gusto talaga namin na dito na lang sila nag iinuman kesa yung lalabas pa sila sa kung saan. Kami din kasi yung agrabyado na naghihintay at nag aalala kung nasaan at kelan uuwi si papa kapag dumadayo ng inuman. Laking pasalamat na nga lang din namin kasi mababait yung mga naging kaibigan at nakakainuman ni papa dito sa lugar namin. More on kwentuhan kasi sila kesa sa mismong inom kaya moderate lang lagi.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.