Chika minute ulit! 🤣 Sino pa nakakaalala dito nung tungkol sa recent post ko about dun sa friend ng jowa ko na nag open up tungkol sa nililigawan niya? Anyway, konting recap na lang hahahaha. Siya yung may niligawan ng 3 years dati kaso di siya sinagot in the end tapos recently may nililigawan ulit na bago. Ayun, lately eh puro na daw busy sa work ang dinadahilan sa kanya nung girl eh dati naman daw eh hindi ganon kaya kinutuban na daw siya na baka hindi lang siya mareject nung babae. Bale kinausap naman daw niya ng masinsinan si girl para ma-assess if itutuloy pa ba niya or hindi yung pagligaw (which is buti na lang at naisip niya agad). Ayun, based sa naging sagot ni girl eh hindi na daw niya itutuloy and remain as friends na lang ata talaga ang para sa kanila. Kahit kasi hindi direct sinabi eh ramdam naman na daw niya yung totoo. Kami pa tuloy ang nanghinayang kasi may nakaprepare na siya na surprise and nasa kapatid na daw ni ate girl yung item and ibibigay na lang this coming February. Sabi naman niya eh ipapatuloy pa din daw yung surprise kasi final effort na lang daw niya yun para kay girl. Actually jowa ko pa nga yung nag suggest nung preserved flowers (yung kagaya sa beauty and the beast) na ibigay niya kasi ganon yung binigay niya saken noon kaya medyo nakakasad lang din. Until the end naging genuine pa din siya sa nararamdaman niya for the girl kaya it's not his lost. At least masasabi niya na he tried his best na mapasagot yung girl pero ganon talaga eh, minsan panalo or talo sa pag-ibig ☹ Side note: di pa din nalalanta yung bigay saken ng jowa ko na flowers after more than a year hehehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Hindi pa time need magpahinga muna at mag pokus muna sya sa work nya.Hintayin nalang nya na kusang dumating sa kanya.Hindi nya worth it yung babaeng dumating sa kanya.Ibig lang sabihin non niligtas lang sya ni lord.gandang morning
Yun nga din po sabi namin. Focus na lang muna siya dun sa business niya syaka binibiro na lang din namin na hahanapan na lang namin siya ng iba.
Ilan taon na po ba sya..hindi naman pa ata sya magmemenopouse ahaha
Nasa 24 up na po siguro. In between na sa delikado sa kalendaryo hahahaha.
Lalaki naman sya walang problema donkahit abutin sya ng 30 to 50 makakabuo parin sya .Ang babae pa kasi may period ones na matapos yun wale na talaga