Nabudol na ba lahat ng Shopee? HAHAHAHA Super proud ako sa sarili ko na makakasurvive na naman na walang chine-check out! May naitabi naman ako na panggastos if ever pero hanggat maaari talaga eh iniiwasan ko bumili lalo na if hindi pa naman kailangan agad. Gustuhin ko man kasi na magdagdag na ulit ng materials para sa crochet hobby ko eh hindi ko din naman magagamit agad. May one week pa kasi kami sa school kaya naman hindi ko din magagalaw yun masyado dahil may exams pa. Isa pa eh maglilipat bahay na ulit kami soon. Patapos na kasi yung pinarenovate namin few months ago hahahha. Sa wakas makakalipat na ulit kami kaya iwas bili muna para hindi masyadong hassle maglipat gamit.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet