read.cash Log in
V@Vanelei more from that month

Ang responsibilidad ng magulang ay hindi dapat ipinapasa sa mga anak. Sadly, madami pa din akong nakikitang nagsusuffer dahil sa ganito. Tipong alam naman na hirap na sa buhay pero tuloy pa din sa pagkakaron ng anak. Ang ending tuloy eh sa panganay kadalasan ipinapasa yung burden na magprovide or inaasahan na tumulong para sa mga gastusin. Hindi naman sa nilalahat pero medyo madami pa din kasi talagang ganitong cases. Okay lang sana if kusang nagmamagandang loob yung anak. Ang panget lang eh yung parang ino-obliga ng magulang sa bagay na hindi dapat responsibilidad ng bata. Kaya naman sobrang importante talaga ng family planning. Hindi yung basta basta lang magkakaron ng anak kasi gusto or kung ano man. Dapat handa kayo parehas ng partner mo na palakihin yung bata financially, physically, and emotionally.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.