read.cash Log in
@Uwanderer777 more from that month

"Ngiting may pag asa" Masaya at mapagpalang umaga sa lahat!!! Hindi lamang po blessings bags ang binigay ng mga volunteers sa community outreach kanina kundi nagbigay din sila ng mga libre ng gamot, vitamins at maintenance para sa may sakit at sa mga nakakatanda. Isa si lolo pedring sa mga nakabenepisyo sa simpleng regalo dala ng mga volunteers. At tuwang tuwa si lolo dahil hindi niya inaakala na may kalakip na gamot ang kanyang natanggap na regalo. Ngiti na may halong luha. Luha na may dalang galak. Ngiti dahil nagpapasalamat siya sa mga volunteers at donors na may pagtingin at pag alala sa kagaya niya na matanda. Naluluha siya dahil ilang lingo na siyang walang gamot dahil palaging nauubusan at kulang ang gamot ng kanilang barangay at wala sya pambili ng gamot dahil kung kakarampot niyang kita ay hindi sapat para buhayin ang kanyang mga apo at anak na may kapansanan. At ang tanging paraan niya dito ay tiisin ang sakit. Luha ng pagkagalak dahil hindi niya lubos akalain na may gamot syang matatanggap at hindi lang isa o dalawa ng piraso kundi pang isang buwan ito kunsomo. Matapos makapanayam ng mga volunteers si lolo pedring, idinulog namin ang kanyang hinaing sa barangay at ito naman ay pinakingan ng mga opisyales, ito ay imomonitor din ng mga volunteers. Inihatid ko palabas si lolo sa venue sabay tawag ng tricycle at binayaran ang tricycle para ihatid sya sa kanilang bahay at hinawakan ang kanyang kamay at inabot ang konting kita noise sabay sabi laban lang lolo at advanced merry Christmas sabay yakap at kinawayan si lolo paalis. At jan po nagtatapos ang aking update. Mag impake muna ang mga volunteers at tutungo sa susunod na komunidad. Hanggang sa muli, ingat lagi mga kaibigan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.