read.cash Log in
@Uwanderer777 more from that month

"Kapahamakan ay nasa linya ng buhay ng humanitarian worker at volunteers ngunit ito motibasyon para magpatuloy sa pagserbisyo" Muli ng nagbabalik ang mga volunteers sa malalayong lugar at liblib na komunidad upang maghatid ng serbisyo at higit sa lahat magbigay saya at tuwa sa kanilang mga mukha. Pagkatapos ng dalawa ng oras na sakay sa single motor na may pakpak. Ngayon naman ay sasakay ang mga volunteers sa kawayan na bangka para tumawid sa kabilang ilog. Para sa kaalaman ng lahat malakas ang ulan kagabi kaya nasira ung kahoy na tulay kaya dito ngayon sa kawayan na bangka tumuloy ang mga volunteers para makatawid sa kabilang dako ng ilog kung saan ang daan patungo sa liblib na lugar. Sa kawayan na bangka kailangan buo ang iyong loob at marunong ka lumangoy. Kinakailangan din na naka Ziplock lahat ng electronics na bawal mabasa. Bago tumawid ay kumuha akong ng larawan at agad isinilid ang phone sa Ziplock para hindi ito mabasa sa pagtawid sa bangka. Dahil sa bigat ng motor at dala namin na supply para sa komunidad minabuti ng mga volunteers na hindi na sumakay sa kawayan na bangka bagkus kumapit na lang sa kawayan na bangka at tulongan ang bangkang kawayan sa pagtawid sa ilog dahil mabagal ang pag usad dahil sa bigat nito. Naka rating naman ng ligtas ang mga volunteers at ang supply. Karamihan sa volunteers ay basa sa ilog pero masaya kasi panibagong karanasan ito at napadali ang pagtawid sa ilog. Hanggang dito lang po ang update ko sa larawan nakalakip sa post na ito pa tungkol sa paglalakbay ng mga volunteers sa liblib na lugar para magbigay tulong sa mga kapatid natin na katutubo. Ingat po ang lahat at enjoy ang iyong miyerkules na araw. ©️ @Uwanderer777 (Kuya Uwan)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.