read.cash Log in
@Uwanderer777 more from that month

"Sagradong ilog ng mga katutubo" Mapayapa at masiglang gabi sa lahat!!! Nais ko sana kayo dalahin kayo sa liblib na parte ng kabundokan ng bukidnon kung saan pakonti na lang ng pakonti ang ilog dahil ang water shed kung saan nanggagaling ang tubig ay lumiliit dahil patuloy parin ang illegal logging. Ang dating malawak na ilog ay biglang lumiit pagkalipas ng ilang taon na walang tigil na pagputol ng puno. Ang nasa litrato na nakikita ninyo ay isang sagradong lugar kung saan nanampalataya ang ating mga katutubong kapatid sa kanilang manlilikha. Kung hindi ito ma protektahan mawawala na ang sagradong lugar na ito na syang lugar para sa ating mga kapatid na katutubo na magdasal at pagsasagawa ng ritwal ng mga lumaon na sa buhay. Nais ko itong ibahagi sa inyo sa post na ito dahil para sa akin dapat nyo din ito malaman at mabahagi sa iba. At dito nag ta tapos ang update. Sanay bigyan natin ng halaga ang ating mga kagubatan at kabundokan. Ingat po tayo lagi. Magandang gabi sa lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.