"Pagsubok ay kaya harapin" Magandang gabi sa inyong lahat lalo na sa mga mababait at supportive natin na mga kaibigan dito sa noise. Nais ko sana ipagbigay alam sa inyo ang mga experyensya ng ating mga volunteers kanina pauwi sa syudad/lungsod galing sa bukirin ng bukidnon. Nakikita nyo sa mga larawan na nakalakip sa post na ito ang hirap sa daanan at ung pangganib na dala nito. Pero Kahit na maraming sigalot na ibinigay ng daan sa bukirin hindi nito napawi o nawala ang dedikasyon ng mga volunteers na bumalik at magbalik serbisyo sa ating mga kapatid na mga Katutubo na pinapangngalagaan ang ating kabundokan at kagubatan para sa susunod na henerasyon. Paki tignan ang litrato nasa ibaba ang hirap na dinaanan ng mga volunteers makapagbigay lang ng tulong at saya sa ating mga Katutubong kapatid. Sana ito ay nagbigay sa inyo ng impormasyon na kailangan nyo para maintindihan ang sitwasyon sa kabundokan dito sa mindanao. Maraming salamat sa lahat at magandang gabi. Babalik po ako mamaya may bibisitahin lang tayo.
No comments yet