Naghandog ng simpleng regalo ang lokal na partner na mga fisherfolks sa team. Nalaman nila na tinutulongan ngayon ng team ang mga nakaligtas sa bagyong agaton sa evacuation center. Nang marinig ito ng mga fisherfolks ay agad silang nagdaos ng pagpupulong para makagawa ng kanilang hakbang para makatulong sa mga naghihikaos na mga survivors. Ang tanging kanilang maihahandog ay mga bulag (dried fish). At ito ay malugod na tinanggap ng grupo at nagpa salamat sa mga lokal partners na mga mangngingisda. Sabi ni Tatay Rolex, leader ng lokal partners. Ito po ay aking handog sa mga survivors dahil alam namin ang pakiramdam nila dahil naranasan namin yan noong 2020. At nagpa pa salamat sila sa mga taong tumulong sa kanila. Saka ito ung tamang panahon na bumawi sila at makatulong din sa iba. Ito ay nakaka antig na kwento na binahagi ng mga kaibigan ng team na dati ay beneficiaries sa mga programme ng organisations. Ang bait talaga ng mga pinoy. Saludo po sa inyong lahat na mangngingisda. #kindness #goodness ©️ @Uwanderer777 🤙🏻 📸 Samsung c/o Kuya Blen
2 comments
malaking bagay na yan kahit sa maliit na pamamaraan ang mahalag naipamalas nila ang ginintuang puso nila at hindi sila naging madamot sa kapwa nila, iba tlaga ang ugaling pinoy kahit na hindi mayaman handang tumulong kait sa maliit na pamamraan.
Oo buddy malaking tulong na ito sa mga survivors ng bagyo na nasa evacuation center ngayon. Mababawasan ung pamilya na gutom buddy.