"Minsan ang kailangan natin at taong makikinig" Mapayapa at masiglang umaga sa lahat. Andito na po ulit si "Uwan" para magbigay ulit ng update sa inyo pa tungkol sa ating interview at assessment sa kondisyon at sitwasyon ng mga kapatid natin katutubo. Naging matagumpay po ang ating interview at nakuha natin ang mga detalye na kailangan para sa susunod na mga Community outreach. Nagkaroon din ng oportunidad na marinig na taimtim at masinsinan ang ating mga kapatid na mga katutubo. Kalakip nito ay dalawang litrato ng ating katutubong kapatid na nagpalabas ng sama ng loob, hinaing, problema, pagdurusa at saloobin. Nagpapasalamat ang mga kapatid natin na katutubo na a jan ang mga volunteers para makinig at umagapay sa kanila. Nais din nila magpasalamat sa mga volunteers at donors na palaging sumasaklolo sa kanila at tinuturing silang tao at kapwa pinoy, at hindi sila tinuturing na basura, dumi, bobo, di edukado, mamang, at walang mararating sa buhay. Malaking bagay na sa kanila na mayroon mga taong nakikinig sa kanila at nakakabasa sa kanilang mga kwento di lamang sa report ng mga volunteers pati dito sa plataporma na ito. Maraming salamat sa pakikinig at pagbabasa mga kaibigan. Ngayon po at tapos na ang mga volunteers sa kanilang tungkol sila po at baba na sa bundok at babalik na ulit sa lungsod. Sasagupain na naman ng mga volunteers ang mga mapangganib na mga daan. Salamat po sa mga nag alay ng dasal sa mga volunteers. More blessings po sa inyong lahat. Kita kits po sa inyo mamaya sa susunod na post. Mamaya ko po sasagotin ng ibang mga komento dahil mahina talaga signal sa bundok. ©️ @Uwanderer777 (Uwan)
No comments yet