Maulan na gabi sa inyong lahat mga kaibigan manunulat at tagapaglikha. Kanina habang nasa palengkw ang mga volunteers para mamili ng mga kailangan na sangkap para sa free meals ng ating frontliners. Nakaramdam ng pagod at pagka gutom dahil sa dami ng binuhat kanina na mga supplies at materyales. Kaya na isipan ng mga volunteers na mag meryenda muna saglit. Napadako kami kay Tatay Erning at ang kanyang benibenta ay mais at pinya. Binili ng mga volunteers ang natitirang mais at pinya na nabuksan na ni tatay Erning para makauli na sya sa kanyang pamilya. Salamat Tatay Erning sa iyong malikhain na presentasyon sa pinya at sa panibagong klase ng mais na binigay samin. Pauwi na ngayon ang mga volunteers para makapagsimula na ng repacking para sa blessings bags, family food packs at para sa free meal sa frontliners bukas. Ingat mga kaibigan lalo na ung mga pauwi sa kanilang pamamahay.
No comments yet