read.cash Log in
@Uwanderer777 more from that month

Malamig at mapayapang gabi sa lahat. Kumusta? Okay lang ba ung biyernes ninyo? Ingat sa pauwi pa lang sa trabaho. Sa post po ito nais ko e mainstream ang aktibidades na ginawa at na organisa ng team 1&2 volunteers kasama ang mga local non government organisations. Ang kanilang layunin sa aktibidades na ito ay makapahatid ng payung at hygiene kits sa mga mag aaral na participants ng limited face to face klase. Hindi lamang nagbigay ng munting regalo ang mga volunteers kundi naghatid din sila ng kaalaman patungkol sa kalinisan sa katawan nutrisyon. Sobrang saya umuwi ang mga bata dahil bitbit nila ang mga regalo na hindi nila inaasahan. Dala rin nila ang mga sobrang meryenda na pinagkaloob sa kanila ng mga volunteers gaya ng juice, biscuits, tinapay, spaghetti at piniritong manok. Tuwang tuwa din ang mga bata sa kanilang bagong payong. Abot tenga ung ngiti nila kasi hindi na sila mababasa sa ulan kung pupunta sila sa paaralan. Sobrang nagpapasalamat ang team 1&2 volunteers sa local NGO na tumulong maihatid ang mga munting regalo saka sa pagdagdag ng mga kulang na supplies na kailangan ng mga mag aaral. At dito po nata tapos ang update ko sa volunteers team 1&2. Medyo mahina po ang signal sa akin na banda dahil andito po kami sa bukirin at pa wala wala ung signal. Pasenxa po sa late na reply sa inyong mga komento. Kita kits po sa susunod na post. Maulan at Malamig na gabi mga kaibigan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.