read.cash Log in
@Uwanderer777 more from that month

"Sa bawat magbasik na ulan, sa dulo ay may bahaghari kumikinang na naghihintay" Mapayapa at masiglang tanghalian sa lahat. Sana kayo nasa mabuting kalagayan ngayon. Sa pagpapatuloy po ng ating paglalakbay patungo sa liblib na komunidad ay dumaan ang mga volunteers sa mabagsik na ulan. Makalawang beses sila nag set up ng tent para ma protektahan ang mga kahon-kahon na supplies na ipamimigay sa mga kapatid natin sa mindanao partikular ang mga katutubo, moro at kristiyano na naninirahan sa bulubundokin sa davao-cotabato boundary area. Sa post na ito aking e highlight na narating ng mga volunteers ang entry point ng komunidad at ang nakaganda nito ay pinagpala tayo na makakita ng isang bahaghari matapos ang matinding ulan kanina. Para makita ang detalye na nakasaad itaas pakitignan ang nakalakip na larawan sa Ibaba. Tanghalian na po kain na kayo mga gwapo/gwapa na mga kaibigan na nagbabasa sa post na ito. Ingat lagi at kita kits sa susunod na post.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.