Permission to post some random rants. Ayoko kasi mag post sa Facebook tungkol dito so feeling ko okay lang naman dito sa site. So kanina habang nasa lakad ako papuntang grocery store, merong sumakay na Granny na napaka ingrata. Sorry pero ganun talaga ang nakita kong behaviour ni Lola. So ang nangyare, sumakay siya sa Free ride na Mini bus na sinasakyan ko and then bigla niyang dinuro duro yung driver. Alam nyo kung ano issue ni Lola? Hindi daw siya pinasakay agad. Akala niya ata e hindi sya pasasakayan ng driver dahil namimili ng pasahero. Nung nakasakay na sya, bigla si lola nagtanggal ng mask at nag umpisa na syang magwala sa loob ng mini bus. Lahat kami na shock doon. (ano itsura ng na-shock ghorl?) So dahil iritang irita na kami mga pasahero at awang awa na ko sa Driver na hingi ng hingi ng pasensya kay Lola, nag viedo na ko. Don't get me wrong, alam kong bawal yung ginawa ko but if alam kong makkatulong to sa driver to serve as evidence, hindi ako nagsisisi. Ang simple lang ng issue ng lola pero kung makapag wala sa bus eh kala mo may nawala sa kanya eh siya lang itong nakikisakay dahi fyi, FREE ang sinakyan namin. Napaisip ako bigla habang naglalalakad papuntang grocery. Mali yung thought na kung sino pasahero, sino customer, sila lagi ang tama. NO!. Minsan nakakalimutan na ng ibang tao maging makatao eh. Akala mo naman talaga eh aping api sila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
umurong ata ang pag iisip ni LOLA sa knyang edad na katandaan, o kaya menopause na sya kaya gnun ang asal na pag uugali na pinakita niya, mabuti pa nga pinasakay pa sya eh sa iba naku hindi hihintuan yan
Oo nga eh may ugali talaga ung matanda feeling ko hindi din psychological. maayos pa sya at muka ngang may pupuntahan pa dahil sa ayos ng suot.
Luh naman si lola. Eh di sana nagtaxi na lang siya. Hehe. Kung ano man pinagdaraanan ni lola, kung nahirapan man siya o naglakad ng kaunti para makasakay sa bus, sana naman hindi niya i-vent out sa driver ang frustrations niya or kung nasabi na niya once ang point niya, tigil na. Hindi naman kasi mababago na ang situation. Mabuti nga at hindi siya sinagot sagot ng driver at humingi pa ng pasensya sa kanya.
Inggrata kasi sis. Napaka!!! Hindi naman bumaba nuong pinapababa.