Story 1: kwento-kwento sa Sitio Mangapo-gapo. Magandang Umaga sa lahat! Ako nga pala si Jack, ako ay ipinanganak at lumaki sa Naga City, Sur Camarines. Malapit lang ang aming bahay sa Sementeryo/Cemetery. Maliit palang ako uso na sa amin ang mga kwento na nakakatakot sa lugar namin. Anim na taon palang ako noon, May mga bali-balita na ang Likod bahay namin at ang Sementeryo ay dinadaanan daw ng tiktik o aswang na pumupunta sa mga bahay kung saan may buntis o di kaya ay may matandang may malubhang karamdaman at malapit ng mamatay, Tahimik naman sa lugar namin, masaya ang mga tao, nagbibigayan pa nga kami ng ulam tuwing tanghali, parang exchage gift, exchange ulam, yun ang nakagawian namin doon. Pero sa gitna ng masasayang araw, ay may kaunting takot kapag ang aming nararamdaman kapag sasapit na ang gabi. Kapag dumidilim na ay tinatawag na kami ng aming nanay na pumasok na sa bahay, at huwag na daw lalabas, May balibalita daw kasi na may nag iikot na matanda sa katabing sitio tuwing gabi, ito daw ay nakaitim na belo na parang namatayan ng asawa, may iba naman nagsasabi na ito daw ay nangunguha ng bata, Kami naman ay pinagtatawanan lang ang kwento na iyon dahil sa isip namin ay isa lamang kwentong barbero at panakot lamang saaming mga bata. Ngunit isang di ko makalimutan na pangyayari ang di ko makalimutan. Nagising ako ng hating gabi, pag gising ko nagkakaholan ang mga aso sa kalsada. Ako ay nakiramdam at nakinig sa paligid maya-maya ay may narinig ako na parang pusa na umiiyak, parang nangangalit ang boses, malapit lang ang ingay na yun, Di nagtagal ay nawala ang ingay at may may narinig ako na huni ng ibon, hindi pangkaraniwang ibon, kundi tiktik ang narinig ko Maya maya ay marinig naman ako na pagaspas ng malaking pakpak ng ibon na dumaan sa likod bahay namin. Ako ay kinilabutan at natakot, nagtalukbong ako ng kumot at pilit na natulog. Kinabukasan. Parang normal lang. Wala akong pinagkwentohan ng naramdaman at narinig ko ng nakalipas na gabi kasi baka pagtawanan lang ako. Ngunit ako ay biglang kinilabutan ng nagkwento na ang aking nanay. Sabi niya, yung Bahay daw sa unahan namin ay dinapuan daw ng aswang, mabigat daw yung bumagsak sa bahay na iyon na parang may naglalakad na tao. Hindi daw ito ang unang gabi na may naramdaman ang aming kapit bahay, Meron kasi silang matandang kamag-anak na may tuberculosis Kwento nila ang aswang daw ay naamoy ang mga taong may malubhang sakit kagaya niyo, mabango daw sa pang amoy nila ang taong may sakit. Makalipas ang ilang buwan ay namatay na ang matanda. May mga katanungan sa isip ko. May kaugnayan kaya ang pagbisita ng aswang sa pagkamatay ng matanda? Sabi ng ilan may napansin daw sila na sugat sa matanda na parang may tinusok na bagay pero, hndi nila alam kung saan ito nanggaling. Hanggang ngayon wala paring proweba kung totoo nga ba ang aswang, wala pang video na nagpapatunay dito Pero may mangilan ngilan na nagsasabi na may nakaharap na daw sila na aswang Ang ilan sa mga ito ay ang tatay ko, Ang tito ko, at ang lolo ko. Dito ko muna puputolin ang aking unang kwento, Mamaya ko na ulit itutuloy ang aking kwento, salamat sainyong pagbabasa, Umpisa palang ito ng aking mga karanasan na nakakakilabot, sana ay nag enjoy kayo sa pagbabasa. Salamat🥰 #KwentongKababalaghan
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet