read.cash Log in
U@Uno_5 more from that month

Aking Tala

"*Pagkat siya ay maihahalintulad ko sa isang tala.Pagmasdan mula sa malayo ang tanging magagawa."* O aking tala sa kalawakan! Kailan ma'y hindi mahahawakan. Tumingala ang tanging magagawa. Sumakit man leeg di' magsasawa. Libo-libong kilometro man ang pagitan. Ika'y kailan ma'y di' mapapantayan. Pagmasdan sa malayo'y sapat na, Higit pa kaya kung ika'y nasa tabi na. Itago ka man sakin ng mga ulap. Yaong puso ko'y maghahanap. Bumangon man ang haring araw. Hindi maiinip na hihintayin ay ikaw. O aking tala sa kalawakan! Sana'y pag-ibig ay mapa-unlakan. Pagsinta ko'y iyong pansinin, Bago lumiwanag at ika'y kunin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.