read.cash Log in
@TrebieCoco

Hello hello hello!!!! Pasensiya na kayo medyo walang paramdam ngayong araw! Sobrang na busy! Bumigay ang fuse ng power supply ng aming tv kanina habang nanunuod ang mga chikiting.. kinabahan pa ako akala ko magkakasunog kasi kitang kita ang kislap ng kuryente at hindi lang isa kung hindi 3 times na sunod sunod sakto pababa si hubby galing taas kasi nagpalinis din kami ng aircon.. kaya dali dali kami kinontak ang service centre kasi 7mos pa lang ang tv namin... so ayun sa kasamaang palad umulan pa kaya nabasa kami ng ulan kanina habang papunta kay grab kasi hindi kasya yung tv sa vios type lang.. yung box ng tv ay pinalibutan namin ng scotch tape para hindi mabasa ang loob.. grabe yung ulan kanina nilamig tuloy ako sa loob ng sasakyan! Tapos sooooobrang traffic pa papunta dun sa service centre tapos gutom pa kami ni hubby kaya wala ako energy kanina tumambay dito sa noise.. bago pala kami pumunta sa service centre hinatid muna namin ang kids kina mama kasi mukhang matatagalan nga kami sa pagbalik... So ayun nga sabi sa service centre eh bumigay nga daw ang fuse at need na palitan ng bago hindi madadaan sa repair lang.. and sabi din nila 2-3weeks bago namin makuha ulit kasi oorderin pa daw yung fuse.. nakakaloka... kawawa naman ang mga chikiting walang tv ng ilang linggo. Wag sana sila ma bored! For the mean time iniisip kong maging panuoran muna nila ay yung desktop namin, maliit lang pero tingin ko pwede na kaysa totally wala.. Buti na lang talaga covered pa ng warranty hassle lang talaga magbitbit papunta sa service centre medyo malayo kasi.. Kayo? Kumusta ang sabado niyo?

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.