read.cash Log in
@TrebieCoco

Kakauwi ko lang sa bahay. Maaga nagising sila Coco kaya naisipan ko dalhin muna dun kila Mama para makatulog muna ako ng mahaba haba. Nagdala na lang kami ng ulam at dede para kina Treb pati mga medicines nila binilin ko na din kay mama. Bago matulog nagdilig muna ako ng halaman at napansin ko itong tanim namin na kalamansi. Yung isa diyan sa asawa ko yung isa naman sa akin. Yung wala ng dahon eh sa asawa ko paano ba naman kasi hinahayaan lang niya na kainin ng kainin ng caterpillar yung mga dahon ng kalamansi niya palibhasa tumutubo din naman agad kaya lang ngayon mukhang natuluyan na, ayan wala ng dahon na buhay pero diniligan ko pa din baka may pag asa pa. Yung isa namang malago ang dahon eh sa akin, ayoko naman pinapakain sa caterpillar ang mga dahon ng kalamansi ko kasi gusto ko magbunga na to kaya lang mukhang matatagalan pa kasi hindi naman ako tutok sa pag alaga ng mga halaman namin, kung kailan ko lang maisipan diligan ahaha sobrang busy lang! Anyway, tulog muna ako maya na lang ulit mga ka noise! Good night!

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.