read.cash Log in
@Tohkii

Tagal ko rin palang Hindi nakapagpost ng drawing ko dito. Ang aking paksa ngayong gabi ay ang anime na A Silent Voice (Koe no Katachi), ang bidang babae ay may kapansanan, ngunit sa istorya ito pinapakita na may mga taong Hindi talaga maintindihan bakit nila binubully, pinagkakatuwaan, tripan ang mga taong may ganitong kapansanan. Mahirap para sa mga taong may ganitong kapansanan ay yun araw-araw nilang hinahanap ang hamon ng buhay para sa kanila. Kaya sana yun mga taong ganito, mahina pagiisip, minsan sila talaga un may problema sa pamilya, sa sarili o minsan sila yon naghahanap ng atensyon ng iba. Mahirap rin para sayo na nagsisimula ng ganun kasi Hindi mo naman hawak ang buhay, paano isang beses mas malala pa pala yon abutin mo kesa dun sa taong pinagkatuwaan mo diba? At para sa mga taong may kapansanan, wag nyo nalang rin pansinin ang mga ganito. Lakasan nyo ang inyong loob at pagpatuloy manalangin sa Maykapal. Tagalog yarn! Good night po.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.