TGIF!! Nag overthink na naman ako dito. Hayaan na nga natin tutal people come and go naman diba. If naoffense ko man sya, I'm sorry. Kala ko kasi friend na kami medyo may pagkamasungit pa naman ako talaga lalo na sa personal pero mabait naman ako sagad nga e minsan. Pero yun nga may mga goal na ko gagawin sa 2023. Kayo ba? may mga goal na rin kayo babaguhin sa sarili nyo? Sa akin madami. Yun mga ginawa at inugali ko ngayon taon, aalisin ko. Ayoko na talaga yun maattached sa tao, nagiging concern citizen ako e. Minsan ako rin naman nasasaktan in the end e. Sobra akong nagtiwala tapos in the end lolokohin ka lang at paasahin kahit di jowa to, kasi wala naman ako non. kahit sino tao man. Tamang soundtrip lang muna, pampakalma ayoko matulog ng may sama ng loob, nagising na nga ng may sama ng loob e. Buti nalang pampabwenas kanina sa BCH TV, three times nagTOP e. sarap sana sa big prize naman. Sana okay lang kayo. TGIF na naman. Natapos na naman ang limang araw. Weekends is real. Haha. Musta busy kayo sa party? Ingat po if Hindi pa nakauwi, Good night sa patulog na, at Good morning sa maguumaga palang. Ciao!!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet