read.cash Log in
T@Tjo0820 more from that month

"Mahal Kita, Matagal Na" a short story by: Tjo08 Part 1 Note: (All events, people and places are all author's imagination only) (Gayle's Pov) Heto na naman ako papasok sa magulong classroom na kinabibilangan ko, hindi pa nagsisimula ang klase kaya kahit ilang hakbang pa ang layo ko sa pinto ng room namin, dinig na dinig ko na ang ingay coming from my classmates. I'm already a 2nd year college but look at us, para pa din kaming mga high school students. As I enter the room kaagad akong dumiretso sa upuan ko, doon naghihintay sa akin ang mga kaibigan ko. "Gayle ang tagal mo ha?". "Sorry naman,, nagcommute lang kasi ako, nakakahiya naman sa inyong may mga sariling sasakyan di ba?".sagot ko sa kanila. Two thing I'm happy about being in this class is because I have my friends, and the other one is because of him. Tumingin ako sa direction ng isa sa mga taong dahilan kung bakit masaya akong pumapasok sa klaseng to, he's Daryll Villanueva. Nakikipagkwentuhan din siya sa mga kaibigan niya, it's been two years already ng maramdaman kong I become interested in him. In that two years nakakausap ko lang siya sa mga group activities, we've rarely talk each other, why?..kasi di naman kami friends at di naman kami close. There are times na siya ang nakikipagusap sa akin, pero di ko alam sa sarili ko bakit ang tipid tipid kong sumagot sa mga tinatanong niya, na gusto kong matapos agad yung convo namin, it's maybe because kinakabahan ako or should I say I'm not being the real me pag kinakausap niya ako, I panicked and I don't know what to do. Nagsimula ang klase at in that whole lecture, di ko pa din maiwasang mapatingin sa kanya everytime he's doing some thing. Then pag nagrerecitation kami, that time I need no excuse para pagmasdan siya kasi lahat naman kami nakatingin sa kanya pag siya na ang sumasagot. He's smart pero yun nga lang mas prioritize niya ang pagsama sa mga barkada niya, he's like an easy go lucky student, matalino naman kasi siya kaya no worries. Natapos ang klase at nagkaroon kami ng 30 minutes free time bago ang next class, but instead of going out I remained in the classroom, Yung mga kaibigan ko?..Yun lumabas muna saglit. Halos lahat naman ng mga kaklase ko nandito sa loob ng room Kaya I decided na magpaiwan. (Or it is because nanjan din siya?) Maybe, who knows what this damned heart of mine feels.? I started to unconsciously write something on my notebook, nang napatingin ako sa kanya only to see na nakatingin din siya sakin, Kaya kaagad Kong binawi ang tingin ko sa kanya. Shit.what are you doing Gayle?....I silently cursed myself. Napansin ko in my peripheral view na papalapit siya sakin, I feel uneasy, at kinakabahan ako, my heart keeps on beating so fast...shit... Then nang makalapit siya sa harap ng upuan ko, kumuha siya ng isa pang upuan at umupo sa harap ko. 🀨🀨,,,ganito reaksyon ko, but in the inside ganito 😳😳😳 Nilapit niya ang sarili niya sakin sabay pabulong na sabi. "Sabi nila crush mo daw ako". What the..!!!...pinagsasasabi nito "What?". "Eh?...totoo noh?..may gusto ka sakin noh?..nagbablush ka na nga oh". him in his usual teasing mode. "Mainit lang kasi...atsaka sino namang nagsabi na crush kita?..naniwala ka naman dun?..joke lang nila yun, Why would I have a crush on you? ". Ito na ba yung tulak ng bibig kabig ng dibdib na tinatawag?... "so Wala kang crush sakin?". "Wala". "Wala talaga kahit konti?". "Wala talaga". "Eh ano to?..my name's initial?".sabay turo niya dun sa sinusulat ko ...it's a letter D...at halos mapuno ko na Yung sinusulatan ko nun. "That's....". "Ah I see". putol niya sa sasabihin ko. "It's mean nothing right?". "Yuph" "And they're just joking right about dun sa crush mo daw ako?". "Yuph". "Gusto mong wag ko na lang silang pansinin, the next time they tell that?". "Yuph". "So di mo talaga ako crush?". "Yuph". "Do you love me?". "Yuph....ha?...NO". napatayo pa talaga ako... "Okay..",he smiled bago siya tumayo sa kinauupuan niya tapos bumalik na siya sa dati niyang upuan, seconds later at pumasok na ang mga kaibigan ko, magsisimula na ulit kasi ang klase. "Anong nangyari sayo?..tulala ka diyan", tanong nila sakin pero di ko sila sinagot. Days passed at di na ulit niya ako kinausap, I'm talking about Daryll. But that's okay, Yun nga ang gusto ko eh (talaga ba?). Bibili ako ng pagkain ngayon sa seven eleven shop na nasa harap ng boarding house namin, pang midnight snack ko sana, kasi magrereview ako para sa exam bukas. Pagkatapos kung pumili ng bibilhin, dumiretso na ako sa counter only to see a familiar figure na nakatayo doon. Bumili siya ng Cornetto pero parang naiwan niya yata ang wallet niya. Lumapit agad ako sa counter. Ito poh Kuya, bayad poh dito atsaka ako na poh magbabayad sa Cornetto niya, Kinuha nung cashier ang bayad ko, I looked at him as he looked at me. He's different now ...iba sa Daryll na kilala ko, para siyang malungkot?... "Thanks", maikli niyang sabi bago siya umalis ng shop. At dahil sa nangyari kagabi, di ko nagawang magfocus sa review ko, sa kakaisip kung napaano ba siya?.bakit parang ang lungkot niya kagabi at kung ano kayang problema niya?. Kaya naman nahihirapan akong sagutan ang exam namin ngayon, 5 minutes na lang ang natitira sa time allotted sa amin pero di pa din ako tapos, halos nakalabas na ang lahat ng mga kaklase ko samantalang ako, heto pa din nagsasagot pa. "Time's up, pass your paper Ms. Reyes and Mr. Villanueva". Tumayo ako para ipasa yung papel ko pero nagulat din ako na katulad ko di pa pala siya nakakatapos sa exam niya..may problema talaga siguro siya. Umalis yung teacher namin dala dala Yung exam paper...naiwan kaming dalawa sa classroom. Naglakad na siya papalabas sa room, pero bago Yun dumaan siya sa upuan ko "meet me at the rooftop". mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko yun. Pagkadating ko sa rooftop I scanned the area to look for him. I don't even know myself bakit ako pumunta dito, , , I just don't understand myself at all. Wala siya sa rooftop... Binuksan ko ang pinto para sana umalis na lang dun, pero pagbukas ko nito, I saw him standing at the other side of the door. Lumapit siya sakin..at ako?..Yun napaatras ako ...lalapit siya aatras ako....hanggang sa wala na akong maatrasan....pader na ang nasa likod ko. Aalis na sana ako ng hinarang niya ang kamay niya in both side, dahilan para manatili ako sa posisyon ko...at siya?..nasa harap ko...nakatingin sakin..🧐 "You like me don't you?". "...n-no...I don't .li..like". "Stop lying ...do you like me or not?,,,it's my last question, after this I won't bother you again". I don't know how will I answer that... tik...tok...seconds passed...and still, I don't know what to answer. "You like me?". I slowly nod my head habang nakaiwas ang tingin ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko para iharap ito sa kanya, dahilan para mapatingin ako sa kanya, in his eyes,,,were looking at each other..and then he said.... "Let's Date". To be continued: #ownstorycontent #LoveStory

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.