Hot AirBalloon Festival
Isa ito sa mga dinadayo ng hindi lang mga Pilipino kundi pati na ring ng mga taga ibang bansa . Ilang beses na rin kaming nakapasyal dito. Ito ay ginaganap sa Clark AirBase ng Pampanga. Ito ay ipinapalabas noon sa Unang Hirit, lalo nat napakaganda nga naman ng mga Hot Air Balloon. May iba iba itong Shape, ibat iba ang kulay kaya naman napakagandang tignan , lalo na pag ito ay lumipad na . Buko sa mga Hot AirBaloon eh may ibat iba pang idinadaos dito, nariyang makikita ang mga gamit ng AIF FORCE CITY. Ang mga chopper nila, may mga nagpalarachute, may mga nag eexbition sa taas na mga jet, makikita ding nakadisplay ang mga baril na hindi ko alam kung totoo o hindi, aha at syempre pede makipag picturan dito. Buhay na buhay noon ang Hot Air Balloon Fiesta pag sumapit ang Ferbruary ito na nag inaabangan ng marami. Ngunit nkakalungkot lang dahil nitong nakaraang taon ay hindi n aito naganap dito sa Clark Air Base. Hindi ko masyado alam kung bakit hindi na ito naganap dito. Nakakalungkot na kung kelan malalaki na ang mga anak ko saka pa nila hindi ito napanood . Sayang kasi napakaganda talagah ang manood nito. Habang binibigyan nila ng hangin ang mga malalaking lobo . Ikaw ay mahahangha talagah . Kaya marami ang dumadayo dito kahit saan man silang lugar . At hindi lang yan pede ka ring sumakay , ngunit hindi ko alam magkano ang kanilang binabayad . Kahit papaano umaasa kami na muli itong maibalik dito sa Clark . At masasabi kong isa ito sa mga Festival na hinihintay ng mga Pilipino maging ng ibang bansa..
No comments yet