read.cash Log in
T@Teppy more from that month

Pangako

Mahal? Nasaan na ang pangako mo? Pangakong napako dahil sa mga kasinungalingan mo? Nasaan na ang pangakong singsing? Singsing na isusuot mo sana sakin sa pag iisang dibdib natin? Tila ba lahat nalimutan mo na? Nalimutan yung mga panahong tayo pa lamang at wala pang siya? Ako yung babaeng pwedeng umupo kahit saan pwedeng kumain ng kahit ano pero binago mo ako, binago mo yung babaeng dating papel at panulat lang ang hawak ngayon marunong ng manigarilyo at uminom ng alak! Masakit! Sobrang sakit! Masakit makitang masaya ka sa kanya habang ako nag durusa! Pero di bale na mahal mo siya mahal ka nya, kaya malaya kana! Maging masaya ka dahil ayoko ng maging tanga!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.