Join 74,293 users and earn money for participation

Ang aking What If's

1 11 exc boost
Avatar for Tamia
Written by   17
2 months ago
Topics: Thoughts

Madalas kong pinipiling maging magisa kaya't minsan hindi naiiwasan ng aking isip na maglayag at mapagtanto ang mga bagay bagay.

Madami na akong iniisip sa buhay ko pero dumagdag pa ang mga ito, kaya idadamay ko na rin kayo hahaha. Kaya't narito na ang ilan sa mga aking What If's na nagpapagulo sa aking isipan araw araw.

What if nawala ang gravity sa mundo

Kung sakaling mangyari ito, ano nalang ang magiging itsura ng mga kalsada?, paano tayo maliligo? Ano ang mangyayari sa mga madisyertong lugar at higit sa lahat ano ang magiging itsura ng karagatan at ng kalangitan kung sakaling mangyari ito isang araw.

What if ang lahat ng tao ay nakakalipad

Maaaring papabor dito ang siyensya sapagakat mawawala na ang mga maiitim na usok na binubuga ng mga sasakyan sa kalsada at sa tingin ko rin ay bababa na ang porsiyento ng mga naaksidente, kung magkakaroon man doon lamang sa mga lasing at wala sa katinuan ang pagiisip ang magdudulot ng mga aberya sa ere. Kapag nangyari rin ito, posible kayang magkaroon pa ng traffic?.

What if ang lahat ng tao sa mundo ay immortal

Imagine mismong si Albert Einstein ang nagtuturo sa atin ng lahat ng theories nya through his youtube channel. Puro showbiz at chismis na lamang ang magiging laman ng mga balita sa mundo. Walang mga sementeryo at maaaring pati dagat ay tinirhan na ng mga tao gawa ng over population na sa buong mundo. Ano na lang ang mangyayari sa mundo kung ang lahat ng tao ay walang kinakatakutang kamatayan at walang iniingatang buhay?.

What if ang lahat ng tao ay mayaman

Mawawalan na kaya ng gana ang mga tao na magtrabaho?. Marahil ay wala nang alitan ang mga magkakamag anak at magkakaibigan dahil sa utang.

What if hindi nagkatuluyan ang mga magulang natin nung kabataan nila

Syempre wala tayo, pero tao parin kaya tayong mabubuhay? O magiging part pala talaga tayo ng animal kingdom kung sakaling mangyari ito...

What if pinanganak tayo sa opposite ng kasarian natin ngayon

Jusko! Ano na lang itsura ko HAHAHA. Pero kung ako ang may kakayahang pumili ng aking kasarian, pipiliin ko paring maging isang babae dahil gusto kong maranasang magluwal at maging isang ina.

What if may kakayahan ang bawat tao na mag time travel

Siguro ang gulo gulo na ng history natin. Lol.

What if magkatotoo in real life ang movie na A Quiet Place

Hindi makakaligtas dito ang family ko, pati mga kapitbahay naming chismosa. Charot!

Narito rin ang iba pa.

-What if tayong mga tao ang may apat na paa at dalawa lang sa hayop

-What if mawala lahat ng hayop sa buong mundo at mapalitan ng dinosaurs

-What if panaginip lang pala lahat ng ito at pagkagising natin 2019 palang

-What if biglang mawala ang araw

-What if magkatotoo ang zombie apocalypse

-What if tayo talaga yung alien

-What if one day permanenteng mawala ang internet

-What if hindi kinain ni Eba ang prutas

-What if hindi tayo iniwan

-What if mawala nang tuluyan ang mga away at alitan ng bawat isa.

That's all, maaari ko pa itong dagdagan subalit hindi na masyadong gumagana ang aking brain kaya't muli ko itong iuupdate sa susunod na mga araw.

How about you, ano ang mga What If's mo?

♡♡♡

Thank you for reading!

Image Used:

https://www.google.com/search?q=what+if&client=ms-android-oppo&prmd=vin&sxsrf=ALeKk03dIjXcU4EoAj_N05IGFUn2k7ve-w:1627136182646&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi2n6vR8vvxAhWQwZQKHRgEBncQ_AUoAnoECAIQAg#imgrc=WgnIZNJxqyDqPM (Lead Image)

If you have some time, you can read some of my recent articles if you want ♡♡♡

Happy Saturday, thank you!

1
$ 0.73
$ 0.68 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @LucyStephanie
Avatar for Tamia
Written by   17
2 months ago
Topics: Thoughts
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nako naisip ko rin yung iba diyan. Lalo yung what if di kinain ni Eba yung apple. Aysus e di sana ang saya ng buhay natin ngayon. Charrr. Hahaha. Baka hindi na natin kailangan magtrabaho para mabuhay pag nagkataon.

Sa tingin ko tayo ay alien naman talaga. Sa dami ng mga napanood ko at nabasa parang ganun na nga. Ginawa lang tayo tapos nilagay s Earth. Ganern. Pero di bale may langit pa rin naman at impyerno. XD

Mahirap yung immortal lahat ng tao. Sobrang dami na nun kelangan na natin ng Earth 2 pag ganern. hahaha.

$ 0.00
1 month ago