read.cash Log in
@Tagalog

Walang pamagat

Sisimulan ko sa umpisa Na kung saan akoy lubos sayong humanga Ang iyong ganda ay tila liwanag ng buwan At Ang iyong ngiti ay parang bituin na kumikinang Ang mapupula mong labi ay kay sarap halikan Pero teka, wag mong isiping Isa itong kabastusan Dahil Mahal, lubos ako sayoy gumagalang Kayat sanay hayaan Mong alayan kita ng tula Tula, na makakapag sabi kung gaano ako kasaya Tula na ang layunin ay iparating sa iba Ang nararamdaman ko sayo sinta Kaya pwedi ba? Hayaan mong ako nalang Ang magdala Ng mga gamit mo tuwing umaga At pag dating ng hapon ay ihahatid pa kita Kaya Mahal pwedi ba? Pwedi bang samahan mo ako? Hawakan mo ng mahigpit ang kamay ko Hawakan mo ng mahigpit ang kamay ko na para bang ayaw mo akong mawala sayo Mahal, Alam mo bang kay saya ko at SA wakas kasi andito ka na sa tabi ko Nakahawak ka ng mahigpit hindi lang dahil ayun sa gusto ko,kundi dahil ayun Ang gusto nating pareho Ngunit Mahal, tela ba pinaglalaruan Tayo Ni kopido Hinde ko inisip na mag babago ang lahat ng to ng may dumating na siya SA Mundo mo Naiwan ako ng di ko alam kung bakit nag kaganito💔 Sobra akong nasaktan at na bigo Mahal, asan na ang kamay mo na ayaw akong bitawan Nasaan na yung ikaw na Minahal ko ng lubusan Maaari bang bumalik kana? Sige na naman oh Maawa ka Mahal, hanggang dito nalang ba? Kasi Mahal hindi ko kaya Ayokong bitiwan ka Basta basta Kaya kahit alam kung hawak ka na ng iba Patuloy parin akong umasa Nagbabakasakali na sa akin ay babalik ka Ngunit nagkamali na naman ako Pero Mahal, hindi pa rin ako susuko Gagawin ko ang lahat maibalik ka Lang Kahit mayroon pa akong masaktan Kaya nong makita ko siya di na ako nag aksaya pa Alam kng magiging epiktibo to Lalo nat magkapantay kayo Oo, ginamit ko siya Ginamit ko siya para bumalik ka Ginamit ko siya para malaman kung ako pa din talaga At hindi nga ako nagkamali Sinabi mong akoy Mahal mo parin Sinabi mong wag na kitang pag silosin pa Dahil ayaw mong may nakikita akong kasamang iba Kaya agad ko siyang iniwan para bumalik ka At ngayong kasama na ulit kita wala na akong mahihiling pa Mahal, masaya ako sobra Pero di ko maiwasang hindi makonsinsya Mahal, nasaktan ko na naman ang tao na sa akin ay nag pasaya Nasaktan ko na naman yung taong gagawin ang lahat para akoy mapasaya Nasaktan ko na naman siya Best, sorry ha? Alam kung nasaktan kita Patawad, Mahal ko Lang talaga siya Alam ko Mahal mo rin ako ng higit pa SA isang kaibigan Pero best,patawad Kasi Hindi tayo parehas ng nararamdaman Patawad ha? Patawad talaga Mga salitang huli mong sinabi bago mo ako iwanan mag-isa END

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.