Our Traumatic Experience Yesterday (P.S wala pong chance na makapag picture delikado po) Kwento ko lang po yung nangyari kahapon after kong mag tutor sa alaga ko. Pinapakuha po kasi yung scaffolding (di ko sure spelling hahaha sorry na agad) kahapon doon sa hulo nila bebi ko so sya naman etong unang kumuha, di ko nanamalayan na umalis kasi nga po ay nakaidlip ako. Kaso nung pagdating babalik daw ulit at naiwan yung tungtungan na bakal, so eto pong ate gurl nyo eh imbis na mag noise cash at mamahinga eh sumama na at wala din po kasing ilaw ang motor na sasakyan ng bakal, taga flashlight po ako hahaha o davah ang taray! Hahaha. So nung nasa hiway na po kami naambon na at nung nasa papasok na po kami sa bukana ng farm nila eh biglang naulan na ng malakas! Sinabayan pa ng kulog at kidlat, so nung una ok lang pero nung pauwi na kami at nakakatakot na sobra. Napaka baba na ng kulog at kidlat, at sa si inaasahang pangyayari ay BUMABA ANG KIDLAT SA HARAP NAMIN! wala pang isang metro ang layo. Grabe yung shock namin non dalawa lang kami sa bukid/malawak na palayan tas naulan pa basang-basa na din kami. Thanks God talaga at safe po kaming nakauwi. Flex ko na lang din pala etong alaga ko na napagalitan ko nanaman kanina hahaha. Medyo very good sya ngayong araw. Medyo langssss hahaha presenting Alexandria the great hahaha chaaar!
No comments yet