Rest Day Coffee Date At dahil restday ko kahapon ay medyo busy ako dahil marami ding ginawang mga pampersonal na bagay. Umaga palang inaayos na namin ni @artpiecesdc ang aming pa birthday surprise kay Ga. Gusto ko lang mag pasalamat sa mga taong nasa likod neto lalo na sa Boulangerie22 na hindi nag alinlangan na magtiwala saakin, sarahbe, MIB at isama na din natin si kuyang guard sa baba ng condo ni Ga na nangbuko saamin hahaha. I owe you talaga sarahbi grabe ang hirap din dalin ng mga to ah sorna agaaaad hahaha love naman kita hahaha. Mission accomplished po kami kahapon sa pag papasaya kay sadboi hahaha may pagtatampo pa po yan sakin at hindi ko daw sya binabati. Anyway after ng surprise eh namili naman akong pangregali namin sa pamangkin nya na nagbirthday din nung isang araw kaso mamaya palang gaganapin. Namili din pala akong pang palandiii hahaha char! Pang brazillian lang po mahagudan naman ng chemical ngayong taon tong buhok ko tagal na nung huli ay hahaha. Tapos habang nag uunatan kami ng aking buhok bigla akong nag crave sa kape ng Cafe Indio so ang ate girl nyo nag ayang mag kape hahaha. Say hello to my magandang pinsan/magandang taga ayos/ magandang parlorista at kung anek-anek pa hahaha. Sobrang lakas ng tama namin mag kakape lang eh sa samal pa talaga hahaha. O sa mga taga Bataan jan alam nyo naman to fron Balanga to Samal para sa masarap na kape hahaha worth it naman kasi talaga kaso to the highest level nanaman ang acid hahaha.
No comments yet