Sa sobrang wala akong magawa at hindi makatulog ginalaw ko nanaman yung kalimba ko. Wala lang tinignan ko lang yung bagong bili ko lang talaga sya nagamit hahaha. Ang saya lang ng may mga bagay kang mabibili sa sarili mong pera. Yung di galing sa magulang mo. Natandaan ko dati 2019 palang bet ko na talaga mamili ng kalimba pero yung pera ko di aabot kasi magastos ako sa pagkain. May pinasukan kaming isang music store sa Raon tapos kalimba agad yung tinanong ko kahit ang sadya talaga namin doon is trombone stand and beat for bass drum. Pag ka pakita palang sakin nagandahan nako kaso ang mahal. Tinignan ko lang si mama bigla akong nahiya. Sabi ko sa sarili ko next year (2020) makakatrabaho na ako in God's will bibilin ko yan sa sarili kong pera. After that nawala na sa isip ko yung kalimba. 2020 came nagkawork nga ako before month of january end. Pero hindi ko pa agad aya nabili may mga inuna akong bilin at nag iipon na din kasi ako non for future use. Day passed nag lockdown na and nakauwi nako sa bataan wala pa rin kasi nga nakalimutan ko na eh. Then i worked in a financing company as a reliever, upon watching on youtube nakita ko nanaman sya. Then naalala ko yung promise ko noon so i took the liberty to order nalang on shopee kasi di naman ako makakapunta ng manila kasi nga lock down and since malapit na din bday ko non ni-consider ko na yon as a gift for myself. Sa sobrang gusto ko non kahit wala na nag ssearch na ko ng mga piece hahaha tas nung dumating sobrang saya ko may pa unboxing video pa ako hahaha kase sobrang timing dumaying sya sa mismong araw ng bday ko. Sobrang saya ko nun. Pag uwi ko sa bahay kahit nasa sasakyan palang kami tinutugtog ko na yung intro ng beauty and the beast hahaha. Since may background naman ako sa music tinry kong kapain yung mga notes hahaha. Iba talaga nagagawa pag gusto mong makuha yung isang bagay. Tyagain mo talaga at pag hihirapan. Mag oone year na sya ata sana matagal pa kaming magkakasama.🥰
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet