Prutas para sa batang di pa rin ok ang pakiramdam at samahan mo na din ng Decolgen forte. Grabe na talaga nararamdaman ko hindi pa talaga ako ok pinipilit lang bang maging ok at malakas. Makwento ko lang po sa inyo neh parang minu-minuto nakakasinghot ako ng tubig sa pool ganon po ang pakiramdam sinusitis daw po ito. Isang part ng ulo at mukha ko sumasakit na parang napintig lalo na sa may bandang tainga. Tapos eto pa with twist, nahihirapan na nga po ako dahil doon tapos bigla pa pong sumabay yung wisdom tooth ko jusko po napakasakit ang hirap kumain. Akala mo may sira yung ipin mo na parang bagong bunot sa sobrang sakit. Pero napunit lang po yung sa may gums kasi po tumutubo na sya so ang ate gurl nyo ay hirap na hirap sa nararamdaman. Kung may suggestion po kayo for my wisdom tooth sabihin nyo lang po sakin. Natry ko na nga po pala yung pagkain ng mga maaaasim lalo na fruits and tingin ko medyo effective sya.
No comments yet