read.cash Log in
@Tacobells

Update on my very busy week This week is my so very busy week kaya bukod sa hindi ko maharap si noise cash eh marami din akong di maasikaso na bagay outside noise kaya kung mapapansin nyo di talaga ako mahagilap ngayong kahit yung mga bessy ko here na nag ppm. Branch immersion ay di biro syempre kailangan magpakita ng sipag kahit antok na antok kana at kinakati kana mag post kay noise kasi may grade po ang immersion. Kaya naman po ngayong araw na to ay medyo nakakaluwag na po ako since nag pabibo ang ate nyong girl these past days hahaha. Anyway share ko yung medyo lasang gamot na salted caramel na natikman ko sa katabi ng paradahan ng bagac (terminal) waley lang hahaha ok na sana kaso may kumakapit talagang lasang gamot malayo sa mga natikman kong salted caramel. At dahil nga po kokonti ang sakay kahapon sa bus na nasakyan ko at nung una kasi iilan palang din talaga kami kasi nga last trip na din eh sinaniban ako ng kakapalan ng mukha para kausapin si manong driver " Kuya gusto nyo po ng magandang katabi? Pwede po ako jan sa harap?" Hahahahaha ay talaga namang ang kapal ng pagmumukha ko sa part na to hahaha. Tapos syempre tinawanan muna ako ni kuya bago pumayag kainiiis hahaha. Pero wag kayo nag marites session kami ni kuya, hindi naman sa pagiging chismosa pero tatlo kasi anak ni kuya tas puro lalaki, dati rin pala syang OFW sa saudi tas nung umuwi naging driver din sya sa San Miguel tapos kahit daw wala silang pasok sumasahod sila hahaha. O diba hindi talaga ako marites sa 1hr and 20mins ba naman namin magkatabi ay. Pati kaya kung paano namatay yung anak nya na pangalawa na nag-aral sa PWU na dapat 3days nalang eh mag uumpisa na sa Las Casa Pilipinas eh naimarites din sakin ni kuya. Hahahaha natatawa nalang din ako, pati nga jowa ko natawa nung kinuwento ko tong lahat sa kanya hahaha. And lastly sa mga kumakamusta at nag aabang ng update sa aming liguan ng bibe eto na po sya hahaha ok na po yung pinaka pool lilinyahan nalang po ng kuryente para sa ilaw at ilalandscape po. So dahil nga ako ay napagod at nababad sa work ng buong week eh naisipan po namin na umuwi sa bundok kahapon para makapag relax man lang po. Kamusta po kayong lahat dito? Medyo na miss ko po pala kayo yiiiieeeee pakissss! Hahaha chaaaar! P.s kapatid at pamangkin ko po ya g nasa picture wag kayong maissue ah hahaha

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.