Balanga City Public Market Isa sa pinaka malinis na palengke sa Bataan matatagpuan sa Balanga City. Napaka layo sa dating itsura na panay basa, madilim at kung minsan ay may amoy, natatandaan ko nung baka pa ako halos mag kakatabi na ang dry sa wet section. Pero ngayon sobrang iba ang inprovement, nakahiwalay na ang dry goods sa grocery, nakahiwalay na din ang veggie section at kung pupunta ka naman sa wet section kung saan matatagpuan ang karne at lamang dagat ay maayos na din. Hindi ka na mandidiring tumapak sa meat section pati na rin sa fish. Medyo matubig pa ron gawa ng kailangan panatilihin iyon ng mga nagtitinda ng lamang dagat. At kung mapupunta ka sa bilihan ng mga tapa, tuyo, bagoong, asin, patis, dilis at iba iba pang process na lamang dagat ay maganda na din. Kung minsan nga ay makakasabay mo pang mamili ang ma sikat na artista katulad nila Ms. Ethel Booba (suki po sya nila ate sa tapang bangus) , Mr. Bembol Rocco at marami pang ibang sikat na artista na may mga farmland sa Bataan. Abot-abot din ang pag puri galing sa kanila pati na rin sa mga taga manila na madalas magawi sa palengke para mamili ng tapa at tuyo na pang pasalubong.
No comments yet