read.cash Log in
@Tacobells more from that month

Magkakanta pa sana ako sa wesing nang biglang makarinig ako ng hiyaw o sigaw? Alam nyo po yung parang nagtatawag na ita? Or parang may sumigaw yung pipe? Sorry po ah no offense but i just want to describe the sound of it. Basta ganon na ganon medyo mahaba kaya naalarma ako to think na bundok to and dalawang kubo lang kami sila lola sa kabila tapos ako mag isa Eh yung susunod na kapit bahay medyo malayo pa tapos yung parang hiyaw malapit. So kinabahan agad ako solid na kaba po jusko ewan ko kung napaparanoid naako pero ramdam kong may lumilibot sa kubo namin tapos parang huminto kanina sa may bintana malapit saakin pero nawala after noon. Tas habang naguusap kami ni bebi ko biglang parang may hangin akong nadinig. Use your imagination po alam nyo po yung utot na walang tunog kundi hangin lang? Ganon po tapos napatingin ako sa bintana nagulat ako nung nakita kong hindi naka lock bintana (traditional na bintanang salamin). Eh bago ako humiga chineck ko na yun na nakabaon yung hawakan so paano na unlock? So nag pasya na akong wag nalang muna mag kanta sa wesing para mapakiramdaman ko yung paligid. Ang nakakatakot lang din kasi na part is may siwang mga bintana sa ilalim hayssss bahala na nga! God is with me no one will harm me.☝️🙏

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.